Chapter 5 (Angeline Vougn Weston)

407 34 6
                                    

Chapter 5
Angeline Vougn Weston

Zahara Rain's P.O.V
"Balik trabaho na naman bukas." sabi ni Melissa at nag-inat inat. Humikab din ito pagkatapos.

Nakauwi na kami sa bahay namin ng sumapit na ang alas sais. Ayaw naming gabihin sa daan dahil may trabaho pa kami bukas at kailangan na namin ng pahinga. Si Angeline naman ay tuluyan ng hindi bumalik kanina at hindi naman namin siya hinanap pa dahil baka may importante itong pinuntahan.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at pumunta sa kaniya kaniyang kwarto upang magpahinga.

"Baby wife." tawag ni Allistair pagkapasok namin sa kwarto.

"Hmm?" pag-hum ko at humiga sa kama dahil inaantok na talaga ako.

Humiga sa tabi ko si Allistair at niyakap ako. Nanatili naman akong nakatalikod sa kaniya habang pinapakiramdaman ang paligid.

"I love you..." bulong niya at siniksik ang ulo sa leeg ko. Hindi ko naman siya sinagot at pumikit nalang.

Ilang saglit pa...

"Baby wife." muling tawag ni Allistair.

"Hmm?” pag hum ko habang nananatiling nakapikit.

"Where is my 'I love you too'?" tanong niya at bakas sa boses niya ang antok. Nagsalubong ang kilay ko.

'Ano ba kasing itsura ng 'I love you too' na 'yan? Bakit sa'kin niya pa pinapahanap? Wala ba siyang kamay, paa at mata?'

"Hanapin mo nalang d'yan. Baka nand'yan lang sa tabi tabi. Hayaan mo magpapakita rin 'yan maya maya." inaantok na bulong ko. Ramdam ko namang mas lalong humigpit ang yakap niya. Hinayaan ko nalang siya at natulog na kaming dalawa.

***

Nagising ako ng maramdaman kong may humalik sa noo ko.

"Good morning, baby wife. How's your sleep?" tanong ni Allistair pagmulat ko ng mga mata.

"Fine. Yours?" tanong ko at napapikit ng makaramdam ng kaunting hilo.

"You okay?" tanong niya at niyakap ako. Sinandal pa nito ang baba sa balikat ko at siniksik ang ulo sa leeg ko.

"Allistair." sabi ko ng may tonong pananaway ng maramdaman ko ang labi nito sa leeg ko.

"What? I'm just marking what's mine. So they wouldn't dare to touch you. They will see what they don't what to see if they dare." sabi nito ng may inosenteng boses. Napangiwi nalang ako at tinulak siya kay natawa siya. Bumangon na ako at inayos ang higaan namin.

"I'll just prepare our breakfast." sabi ni Allistair. Nakaligo naman na ito at nakaayos na.

"Hmm. Bababa nalang ako." sabi ko at pumasok sa banyo.

"Wait." pigil nito at nilapitan ako. Nilingon ko naman siya para tanungin kung bakit ng maramdaman kong dumampi ang labi niya sa noo ko.

"I love you, baby wife. Forever and always." malambing ang tonong bulong niya at kinindatan ako bago lumabas ng banyo.

Napangiti nalang ako saka pumasok sa banyo.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now