Chapter 23 (Helios)

310 19 0
                                    

Warning: Some scene are not for minors. Read at your own risk.

Chapter 23
Helios

Zahara Rain's P.O.V
Pinaalis ko na rin sila Kuyang Holdaper, Devin at Eros dahil alam kong kailangan din nilang asikasuhin ang kaniya kaniyang kumpanya. Sila Aster at Kuya naman ay nasa Italy daw at next next week pa ang balik.

Napasapo ako ng ulo ko ng muli itong sumakit kasabay naman ng pagpasok ni Narouje sa office ko.

"Do I have meetings tomorrow?"

"Isa lang, Zahara. 8:00 a.m." sabi niya at napatango naman ako.

"Do I have meetings now?" tanong ko.

"Lima, Zahara. 9:30 a.m, 11:00 p.m, 1:00 p.m, 5:00 p.m, and 8:00 p.m." sabi niya at napatango nalang ako.

"Cancel my meeting for tomorrow. I'll take a one day rest." I said and he nodded.

Napatingin ako sa relo at nakitang 9:00 a.m na. Kinuha ko ang folder na naglalaman ng mga i-di-discuss mamaya saka nagsimulang magbasa. Parang mas lalong sumakit ang ulo ko ng hindi ko mabasa ang mga nakasulat.

"Why are they blurred?" mahinang tanong ko.

'Nagloloko ba ang printer namin?'

"What? What are you talking about, Zahara? Ang linaw kaya oh." sabi niya kaya muli kong tinignan ang papel. Nagsalubong ang kilay ko dahil lilinaw mamaya at muling lalabo.

"Use another brand of bond paper next time." inis na sabi ko saka inilapag ang papel at minasahe ang noo ko.

"Huh? Maayos naman ah. Malinaw nga oh." pamimilit niya pa.

"Read it out loud. I can't read it." sabi ko dahil nanlalabo talaga ang paningin ko. Sumandal ako at pumikit.

"Ayos ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa hospital? Baka mas lalo lang lumala 'yan." nag-aalalang sabi ni ni Narouje ng mapansin ang pwesto ko. Umiling naman ako ay sinensyahan siyang magsimula na sa pagbabasa. Napabuntong hininga nalang siya saka nagsimulang magbasa.

Nanatili akong nakikinig habang minamasahe ang noo ko. Sinusubukan kong ipasok sa utak ko ang mga sinasabi niya pero wala talaga akong naiintindihan maski isa.

Sa huli ay naging lutang ako sa mga meetings na dinaluhan ko pero pinilit ko pa rin ang sarili kong magtrabaho. Matagal tagal akong nawala kaya kailangan kong bumawi sa kumpanya.

Natapos ang araw ng kape lang ang laman ng tyan ko sa sobrang abala. Nang sumapit na ang 11:00 p.m ng gabi ay do'n ko lang napagpasyahang umuwi.

Tamad na tamad kong kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng building. Sinuksuk ko ang susi sa kotse at pinaandar ito saka pinaharurot.

Hindi ko napansing mabilis na pala ang pagpapaandar ko at nanlaki nalang ang mga mata ko ng may bumusina sa harap ko kaya agad akong napapreno. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdamang parang yumanig ang buong sistema ko sa biglaan kong pagpreno.

Sabay kaming bumaba ng kotse at agad natigilan ng makilala ang isa't isa.

Allistair's P.O.V
I tightened my gripped on the wheel as I continue driving. I don't know where will I go but I just continued on driving. My mind is telling me to just drive and drive and drive until I already find death.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now