Chapter 24 (Earthquake)

308 20 0
                                    

Chapter 24
Earthquake

Devin's P.O.V
"Devin! Tawagan mo nga si Rain! Iyak ng iyak si Helios! May sakit! Hindi natin 'to pwedeng dalhin sa hospital kung ayaw nating mabuko!" natatarantang sabi ni Eros na ikinataranta ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at natatarantang tinipa ang number ni Rain.

"Rain! Where are you? Helios is sick!" natatarantang sabi ko.

[I'm with her.] isang boses na nagpatigil sa'kin.

Dahan dahan akong napatingin kay Eros na nakatingin din sa'kin habang nag-aabang ng sasabihin ko.

"Anong sabi?" tanong niya na walang boses at hindi ko naman siya pinansin.

Doble ang kaba ko ng tignan ko sa ang cellphone ko. Pangalan naman ni Rain ang nakalagay doon pero bakit si Lucas ang sumagot?

'Magkasama ba sila? Anong oras na ah? Bebe time na ba? Bakit hindi ako na infrom?'

Muli kong itinapat ang cellphone sa tenga ko at napalunok dahil sa kaba.

"Lu-Lucas? Is this Allistair Lucas Lim?" nauutal na tanong ko habang nanlalaki ang mga mata. Napansin kong napaawang ang mga labi ni Eros ng marinig ang sinabi ko. Mukhang nahulaan niya na kung anong nangyayari.

[Who's Helios?] tanong niya, hindi pinapansin ang tanong ko pero sapat na ang marinig muli ang boses niya para masabi kong siya si Lucas.

"Ah a-ano... Hoy, tulungan niyo 'ko! Pucha! A-Ano haha! Boyfriend! Oo! Boyfriend nga! Haha! Takte! R.I.P selp." natatarantang sabi ko saka napasapo ng noo ng matauhan sa sinabi ko.


'Petengeneee! Patay ako kay Rain!'

[What?] hindi makapaniwalang tanong niya. Agad naman akong nag-isip ng palusot para makatakas. Baka kung ano pa ang masabi ko.

"Grabe! My sexytary is calling! Ano ulit? May meeting? Ah oo! Kanina pang alas otso naghihintay?! Papunta na ako! Haha! Sige, Lucas! Take care of her! Bye bye! Susunduin nalang namin siya next, next year!" natatarantang sabi ko at pinatay ang tawag.

Nanghihinang napaupo ako sa sofa habang si Eros ay tawa lang ng tawa at nakahawak pa nga sa tyan ang gago.

'Hindi manlang ako tinulungan!'

"Hahaha! Kyon must know this!" hagalpak pa rin siya ng tawa at kinuha ang cellphone habang nanginginig ang mga kamay dahil sa pagtawa. Tinignan niya ang cellphone niya at napapunas ng luha para mas makita 'yon ng maayos. Tinipa niya ang numero ni Kyon at saka tinawagan. Hindi ko naman siya pinansin at napasabunot ng buhok.

Ilang saglit pa ng dumating na rin si Kyon. Siya ang nag-asikaso kay Helios habang si Eros naman ay nagkukwento ng kung anong nangyari kanina. Napatawa rin si Kyon at inasar ako kaya mas lalo akong napanguso.

Buong gabi ay inasikaso namin si Helios at Selene. Hindi na kami pumasok dahil mataas pa rin ang lagnat ni Helios kaya ayaw naming iwan. Hapon na ng mapaupo kami sa sofa para makapagpahinga.

"Devin, what do you prefer? Silver, gold or just plain white?" tanong ni Eros kaya nagsalubong ang kilay ko.

"For what?" nagtatakang tanong ko.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now