Chapter 33 (Meeting the ex husband)

383 26 0
                                    

Chapter 33
Meeting the ex husband

Zahara Rain's P.O.V
"Schedule please." sabi ni Mr. Pyon, ang boss ko, bago umupo sa swivel chair niya.

"You have a meeting with Mr. Wen at twelve noon, a meeting with Mr. Ern at three in the afternoon and a meeting with Mr. -" napatigil ako at ilang ulit kinusot ang mga mata para tignan kung tama ang nakasulat sa coupon bond na hawak ko.

"Mr.?" tanong ni Mr. Pyon ng hindi ako makapagsalita.

Napaawang ang labi ko habang paulit ulit binasa ang pangalan na 'yon, hindi pa rin makapaniwala.

"Ms. Kingston?" tawag ni Mr. Pyon na siyang dahilan ng pagbalik ng diwa ko mula sa mundo ng mga tao. Napatikhim ako.

"A me-meeting with Mr. Li-Lim at ei-eight in the eve-evening." nauutal na sabi ko at napataas naman ng kilay si Mr. Pyon dahil sa pagkautal ko dahil hindi naman ako gano'n.

"I see you know him." sabi niya. Confident na tama ang sagot. "Mind if you tell me who is he?" tanong niya. Napalabi nalang ako.

"My ex hu-husband, sir." nakayukong sabi ko at napakagat ng labi. Nakita ko namang napa oh ang bibig niya.

"Bakit kayo naghiwalay?" curious na tanong niya. "If you won't mind." dagdag niya pa.

"My company fell, sir. I want to prove myself to be worthy for him and for our child." sagot ko sa kaniya. Kumportable naman ako sa kaniya dahil mabait talaga siya. Mas lalong napaawang ang labi niya dahil sa naging sagot ko.

"You have a company before? No wonder why you act like a professional." comment niya na ikinapula ng pisngi ko. "Are you ready to face him? Pwede namang si Narouje nalang ang isama ko." sabi niya pa. Agad naman akong umiling kahit gusto kong tumango.

"Business is business, sir. Personal things shouldn't affect work." seryosong sabi ko at kita ko naman ang paghanga sa mga mata niya dahil sa naging sagot ko.

"Professional indeed. Alright if that's what you want. You can now go. Thank you." pag dismissed niya. Yumuko naman ako bilang pagsenyas ng paggalang bago lumabas ng opisina niya. Napahinga ako ng malalim at napasandal sa pinto dahil pakiramdam ko ay biglang nanghina ang tuhod ko.

'I'm going to see him! I'm going to see him today! As in today!'

Napasapo ako ng noo ko. Pakiramdam ko ay bigla nalang akong magkakasakit dahil sa nalaman ko. Napahinga ako ng malalim at lutang na bumalik sa opisina ko.

Sumapit ang lunch na nanatili akong lutang. Ni hindi ko alam kung paano ako nakapagtrabaho.

"Hoy! Lunch na!" sigaw ni Narouje sa harap ko na ikinagulat ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit umupo lang siya sa upuang nasa harap ng table ko.

"Pansin ko kanina ka pa lutang. May problema ba?" curious na tanong niya.

"Pupunta rito si Allistair." wala pa rin sa sariling sagot ko.

"Pupunta lang pala rito si Lu - ano?!" gulat na singhal niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa lakas ng boses niya.

"Bakit?! Why?! Wae?! Dōshite?! Por qué?! Wèishéme?! Pourquoi?! Perché?!" hindi mapakaniwalang sabi niya. Napasapo nalang ako ng noo ko. Sa lahat ng sinabi niya ay iisa lang naman ang kahulugan no'n at 'yon ay "Bakit?".

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now