Chapter 35 (Together)

513 31 1
                                    

Chapter 35
Together

Zahara Rain's P.O.V
"Sorry about the trouble we've cause. It won't happen again." magalang na sabi ni Angline sa mga guards.

Napabuntong hininga nalang ako ng umalis na ang mga guards bitbit ang lalaking 'yon na patuloy pa ring nagwawala.

"Are you okay?" tanong ni Allistair na siyang ikinagulat ko.

'Huh? Ako ba yung nakipagsuntukan? Bakit hindi ako na inform?'

"Ayos lang. Ikaw ba?" balik na tanong ko sa kaniya.

"As long as you are fine then I'm good." kaswal na sagot niya.

Kinuha ko naman ang panyo at pinunasan ang dugo niya sa may bandang ibabang labi.

"Masakit?" mahinang tanong ko habang magaang pinupunasan ang dugo.

"No. He's weak." sagot niya.

Ibinaba ko na ang kamay ko ng maglakad palapit dito si Angeline.

"Let's go to our room na." nakangiting sabi niya na parang hindi ako nakitang pinunasan ang dugo sa labi ni Allistair.

'Hindi ba siya nagseselos?'

Iginaya ko naman sila papasok sa elevator. Inakbayan naman ako ni Narouje ng makapasok na kami.

"So uh Zahara, will you live here for good?" tanong ni Angeline habang hinihintay namin ang pagbukas ng elevator.

"No. I'll go back to the Philippines when I already have my own company." sagot ko at nakita ko namang napa oh ang bibig niya.

Bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami at nagsimulang maglakad. Tumigil naman kami sa tapat ng room namin. Bubuksan ko na sana ang pinto ng maalalang may mga gamit pala sila Zianara at Kenelm sa unit namin ni Narouje.

'Shit!'

"Uh maglilinis muna kami ng kalat haha! Doon muna kayo!" natatarantang sabi ko at tinuro ang pwestong medyo malayo kayo sa'min. "Narouje, samahan mo sila." pagtutulak ko kay Narouje sa kanila. Agad namang nakuha ni Narouje ang punto ko dahil agad niya silang niyaya. Gusto pa sana akong tulungan ni Angeline ngunit tumanggi ako.

Agad akong pumasok sa unit ko saka inayos ang mga kalat at gamit. Inilagay ko ang mga damit nila Zianara sa maleta para ilipat sa unit ni Naoruje.

Mukhang sa unit nila Lara matutulog sila Zianara at Kenelm kaya halos mapatalon ako sa tuwa dahil kahit papa'no ay umaayon sa'kin ang tadhana.

Inabot ako ng dalawang oras sa pag-aayos. Basang basa ng pawis akong lumabas sa condo unit ko at napasandal sa pinto sa sobrang pagod.

Pumasok ako sa unit ni Narouje saka naligo at nagbihis. Nakahiya naman kung haharapin ko sila na ang itsura ay parang sumabak sa gyera. Lumabas ako ng unit saka lumabas para hanapin sila. Sakto naman ang paglabas ko dahil pabalik na sila. May dala pa silang pizza, junk foods at can ng beers.

"Tapos ka na?" nakangiting tanong ni Angeline. Tumango naman ako.

"Bumili kami ng alak, Zahara. Sabado naman bukas at wala tayong pasok." sabi ni Narouje at ngumiti, umaasang papayag ako. Inirapan ko lang siya kaya napa yes siya.

"Ayos lang ba?" tanong ni Angeline.

"Ayos lang naman." sagot ko saka siya nginitian.

'Nakabili na sila eh. Alam naman ni Narouje na wala na akong magagawa kung hindi ang pumayag.'

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now