Chapter 11 (Reports)

324 22 0
                                    

Chapter 11
Reports

Zahara Rain's P.O.V
Nagmulat ako ng mga mata at mukha ni Allistair ang bumungad sa'kin. Magkatabi pa rin kami rito sa hospital bed at nakayakap ang kamay niya sa bewang ko.

Napangiti ako pagkatapos pagmasdan ang mukha niya saka siya hinalikan sa labi. Nanlaki naman ang mga mata ko ng hawakan niya ang batok ko at mas lalong idiniin sa kaniya. Tumugon siya sa halik ko kaya napapikit nalang din ako para damahin ang mga labi niya.

"Missed me already?" inaantok na bulong niya habang nakangiti ng maghiwalay na ang mga labi namin ng kapusin ng hininga.

"Keep on dreaming." nakangiting sabi ko at nagmulat ng mga mata.

"Nah. No need. I already have my dream." nakangiting sabi niya at tinignan ako ng diretso sa mga mata. Napangiti naman ako at namula.

"Ehem! Ang landi! Ehem!"

Napabalikwas naman kami ng bangon ng may magsalita. Napangiwi ako ng kumirot ang mga sugat ko.

Bumungad sa'min ang mga kaibigan namin. Nagsalubong ang kilay ko ng hindi ko makita sila Devin, Eros at Kuyang Holdaper. Nagkibit balikat nalang ako.

'Baka may mahalagang pinuntahan lang. We are already an adults. We have our own lives now.'

"So care to explain to us what really happened?" taas kilay na sabi ni Melissa.

"I found Rain. And saw some assholes surrounding her." seryosong sabi ni Allistair. Napatango tango naman sila bago tumingin sa'kin. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ah hehe, naisipan ko lang mamasyal." palusot ko at napakamot ng batok.

"Wearing a formal dress?" taas kilay na tanong ni Aster. Napalobo naman ang pisngi ko at nag-isip ng palusot.

"Rain." nagbabanta ang tonong tawag ni Kuya, unti unti ng sumasama ang tingin sa'kin.

"I went to a business party last night. I got drunk while driving then tada! Boom, bangga!" naiilang na sabi ko at ngumiti ng pilit.

'Huhuhu medyo kalahati ng sinabi ko ay totoo. Tama namang pumunta talaga ako sa business party eh. Hindi nga lang ako nalasing kasi hindi naman ako nag-inom.'

"Tss. Next time, don't go on a party without me." sabi ni Allistair at niyakap ang bewang ko. Napanguso naman ako at pasimpleng napairap.

'It was your party, idiot!'

"You made us worried." nakangiwing sabi ni Aster.

"Sorry na." nakangusong sabi ko. Tinanguan niya lang ako.

"How are you feeling now?" tanong ni Cheska.

"I'm fine. Better actually." nakangiting sabi ko.

"Good to hear that. How about you Lucas?" tanong ni Audrain.

"Fine." tipid na sabi ni Allistair.

Bigla nalang may kumatok. Tumayo naman si Luke at binuksan ang pinto. Pumasok si Narouje habang may bitbit na suitcase. Napatingin naman siya sa'kin bago tumakbo at yumakap sa'kin. Nanlaki naman ang mga mata ko sa inakto niya at gano'n din naman ang naging reaksyon ng iba.

"Zahara! Akala ko kung napano ka na! I'm glad you're safe!" nag-aalalang sabi niya.

Naiilang na ngumiti ako at tinapik tapik ang braso niya. Humiwalay naman siya sa'kin at napatingin kay Allistair na masamang nakatingin sa kaniya.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now