Chapter 29 (Destroyed)

271 16 0
                                    

Chapter 29
Destroyed

Zahara Rain's P.O.V
"I'm not brutal until I met you. You released the demon inside me, Maxine. Any last word?" bulong ko at mas lalong ipinasok ang kamay ko sa loob niya.

"Ano pang ginagawa mo?! Barilin mo na siya!" sigaw ni Maxine at mas lalong napasigaw ng igalaw ko ang kamay ko sa loob niya.

Napatingin ako sa taong nakapurong itim. Halatang hindi niya alam mag gagawin niya. Mas lalo akong napangisi dahil sa sitwasyon at saka binunot ang kutsilyong nasa likod ko bago 'to hinagis papunta sa binti ng nakapurong itim. Napaluhod ito at napahawak sa binting may nakatarak na kutsilyo dahil hindi niya ito naiwasan.

Tinanggal ko ang kamay ko sa loob ni Maxine kaya agad siyang bumagsak sa sahig. Lumapit ako sa lalaking nakapurong itim at saka rin ito hinampas sa batok kaya nawalan siya ng malay.

"Kaizer and Zyellie, please take care of these bodies. I want them alive." seryosong sabi ko at walang emosyong lumabas ng kwarto.

Napansin kong nagkakaguluhan na ang lahat ng tao ngunit nanatili akong kalmado habang naglalakad papunta sa kwarto kung nasaan ang sugalan, kung nasaan ang ama ni Maxine at ng iba pang mga kasabwat sa plano nila.

Kinuha ko ang isang wine glass na nakita ko sa isang table saka sinalo ang binatong baril ni Leavell habang patuloy pa rin sa paglalakad sa nagkakagulong mga tao. Walang katok katok kong binuksan ang pinto kaya napatayo sila dahil sa pagkabigla sa pagpasok ko.

"I see you're having fun. Why don't you join me?" plastik ang ngiting sabi ko saka sumimsim sa hawak kong wine glass. Humigpit ang hawak ko rito ng maalala na naman kung ano ang nakita ko kanina sa T.V.

"Zahara Rain Kingston." bati ni Mr. Weston ng makilala niya ako. Plastik akong ngumiti at yumuko bilang kunwaring paggalang.

"Should I feel overwhelmed that you know me, Mr. Weston?" nakangiting tanong ko at muling uminom sa alak na hawak ko pagkatapos umayos sa pagkakatayo dahil sa pagkakayuko kanina.

Napatingin ako sa mga taong nasa loob ng kwarto. Lahat sila ay nag-aabang sa susunod kong gagawin. Mas lalo siyang naging alerto ng makita ang nasa kaliwang kaway ko, ang baril.

"Why are you here?! Guard!" salubong ang kilay na sigaw ni Mr. Weston at mas lalong nagsalubong ang kilay ng wala ni isang guard ang lumabas.

"You're fast." nanlaki ang mga mata niya ng bigla nalang akong sumulpot sa harap niya. "But I'm faster." bulong ko sa tenga niya saka siya tinuhod. Napaubo siya at napahawak sa sikmura niyang tinuhod ko. Binaba ko sa lamesa ang hawak kong wine glass saka masuyong hinawakan ang buhok niya bago sinabutan upang patingalain. Nagsalubong ang paningin namin at kitang kita ko rito ang galit at pagkagusto akong patayin. Napangisi ako dahil sa reaksiyon niya.

Walang nagtangkang sumugod sa'kin dahil bigla nalang nagsilabasan sa dilim sila Spade, Meryl, Aimee, Irish, Leavell, Xiomara, Navaeh, Mics, Franzen, Staycey, Seirene, Kaizer, Zyellie, Atasha at Kylle saka sila tinutukan ng mga baril.

"Are we already late?" napaawang ang bibig ko ng mula sa pintuan ay isa isang pumasok sila Melissa, Arra, Audrain, Cheska, Aster, Maureen, Luke, Devin, Andrew, Kuya, Caleb, Ian, Kuyang Panay Tawa, Eros at Yoshin.

"I guess not. The party is just starting." sabi ng kakapasok lang na si Shaira at hinagis si Maxine padapa sa sahig.

"Shaira?" gulat na tanong ni Kuya. Ngumiti si Shaira ngunit hindi 'yon abot sa mga mata niya. May galit ang mga ito.

"They killed my parents. So, I already have no reason to be afraid to fight." mariing sabi ni Shaira at sinamaan ng tingin ang nanghihinang si Maxine na kasalukuyang nasa sahig.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now