Chapter 10 (Comeback)

389 25 1
                                    

Chapter 10
Comeback

Devin's P.O.V
Napahigop ako ng kape habang nakatingin sa kawalan.

Nandito ako ngayon sa paring lot habang nakasandal sa kotse ko. Dito ko napagdesisyunang pumunta sa hindi ko rin malamang dahilan. Aalis dapat ako pero naisip kong baka madisgrasya ako dahil wala ako sa sarili ko ngayon. Wala ako sa katinuan.

'Rain is pregnant... Lucas and Rain will now having a baby...'

Napangiti ako ng mapait at uminom muli ng kape.

'Tsk!'

Nakakaloko lang. Imbes na alak ang iniinom ko ay kape ang nasa kamay ko ngayon. Wala kasi akong mahanap na tindahan ng alak.

"Mind telling me what's on your mind?"

Napaangat ang tingin ko at nagsalubong ang kilay ng makita ang isang hindi pamilyar na babaeng nakatayo ngayon sa harap ko.

"Excuse me, Miss, but do I know you? If not then get out of my sight. I don't need your presence here." seryosong sabi ko at umiwas ng tingin. Dinig ko namang natawa siya kaya inis akong tumingin sa kaniya.

'Pinagtatawanan niya ba ako? Anong nakakatawa?'

"This ain't your parking lot, Mister. By the way, long time no see, Devin. I am Shaira Lee by the way." nakangiting sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Pinasadahan ko siya ng tingin para malaman kung totoo ang sinasabi niya. Ang laki ng ipinagbago niya sa totoo lang. Kulay kayumanggi na ang buhok niya. Mas pumuti at kumurba ang katawan niya. Marunong na rin siyang mag make up at mag-ayos na parang fashionista.

"Still remember me? Nawala lang ako saglit nakalimutan mo na ako." natatawang sabi niya.

Napangiti ako sa tinuran niya. Hinigit ko siya palapit sa'kin at saka niyakap ng mahigpit.

"I missed you, Shaira. You've change a lot." bulong ko.

"Business thing hahaha." sabi niya at humiwalay sa yakap.

"I heard Rain was missing so I finished all of my pendings and flew back to Philippines." sabi niya at napabuntong hininga na naman ako ng marinig ang pangalan niya.

"She's okay now. Just needed some rest." sabi ko at muling humigop ng kape.

"Ubos na. Kawawa naman yung cup." nakangiting sabi niya at doon lang ako natauhan na wala na palang laman ang cup ko. Napatikhim ako at saka tinapon ang cup.

"Devin, what really happened?" tanong niya.

"Rain is pregnant." diretsong sabi ko. Ramdam kong natigilan siya.

"And... And yo-you are the fa-father?" nagdadalawang isip at nauutal na tanong niya.

'Sana nga.'

"Lucas." tipid na sagot ko at umiwas ng tingin.

"Devin, I uhh - don't know what you are feeling but uhh - I just want you to know that I'm just here. sabi niya at hindi ko naman siya pinansin.

Napabuntong hininga nalang ako.

'My first love... My first heartbreak...'

"Dati, pinagtatawanan ko pa yung mga taong nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. I always say na bakit hindi nalang sila humanap ng iba kung ayaw naman sa kanila ng taong mahal nila? I always say that bakit hindi nalang sila sumuko dahil may tamang tao rin ang dadating para sa kanila? I don't believe in forever. Pero noong minahal ko si Rain, nagbago lahat ng pananaw ko pagdating sa pag-ibig." biglang sabi ko habang nakatingin pa rin sa kawalan.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now