Chapter 13 (Rain & Allistair's anniversary)

359 19 0
                                    

Chapter 13
Rain & Allistair's anniversary

Zahara Rain's P.O.V
Napahugot ako ng hininga at napatingin sa orasang nakapatong sa cabinet. Alas dose na ng tanghali.

Nandito ako ngayon sa hotel na binili ko para sa anniversary namin ni Allistair. Hindi muna ako pumasok sa company at napagdesisyunang ipagpaliban muna ang mga gawain. Gusto kong mag focus sa espesyal na araw namin ni Allistair. Gusto kong maging memorable ito. Gusto kong masabi ko sa kaniya ng maayos na buntis ako.

Napasapo ako ng noo, hindi ako mapakali sa kaba.

'Paano kung hindi siya dumating? Nakalimutan niya kaya? May sorpresa rin kaya siya para sa'kin? Paano kung meron? Anong mauuna? Nasa'n na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Ayos lang kaya siya? Pupunta kaya siya? Busy kaya siya?'

Napahinga nalang ako ng malalim sa sunod na naisip.

'Kasama niya kaya ngayon si Angeline? Ano kayang ginagawa nila? Busy kaya sila? Nasaan kaya sila?'

"Pft, relax." natatawang sabi ni Arra na prenteng nakaupo sa kama.

Nagpa check-up na rin siya at nalaman naming buntis nga talaga siya. Dalawang linggo na siyang buntis. Halos si Luke pa nga ang mahimatay noong malaman 'yon.

~Flashback~

"Do-Doc, an-ano pong result?" nauutal na tanong ni Luke sa doctor. Humarap naman ang doctor sa amin at ngumiti.

"Congratulations, Mr. Nion! Mrs. Nion is two weeks pregnant!" nakangiting sabi ng doctor.

"Hoy, Kanyon! Hindi mo bagay!" sigaw ni Andrew ng bigla nalang mahimatay si Luke.

Inalalayan nilang makatayo si Luke na pinapaypayan ang sarili. Binato naman siya ni Arra ng unang bagay na nahawakan niya kaya agad umiwas si Luke at natawa.

"Magiging daddy na 'ko! Hahaha! Panis kayo! Magiging daddy na ako! Wahahaha! Magiging tatay na ako! Hahahaha! Magiging sugar daddy ehem I mean magkakaroon na ako ng anak!" parang baliw na sigaw ni Luke at nagtatalon talon pa sa sobrang saya. Napailing nalang kami at hinayaan siya.

Niyakap niya si Arra na nakailang irap na yata sa asawa niya.

"Hindi ko kilala 'yan. Hindi ko asawa 'yan. Ikinahihiya ko 'yan." nakangiwing sabi ni Arra at natawa naman kami.

~End of Flashback~

Nandito rin silang lahat. Pati sila Eros, Devin at Kuyang Holdaper ay nandito na. Nagliwaliw daw muna sila. Nakatanggap pa sila ng tag-iisang batok mula sa amin pagkabalik nila dahil sa hindi manlang sila nagsasabi kung saan pumupunta, pinag-aalala nila kami ng sobra.

Napangiti ako sa isiping ipinagpaliban din muna nila ang mga gawain nila para masamahan kami ni Allistair sa espesyal na araw na ito. Alam ko rin namang abala sila sa sari sariling kumpanya ngunit pinili nilang ipagpaliban muna upang masamahan akong mag-ayos. Alam na rin pala nilang buntis ako kaya medyo disappointed ng slight dahil akala ko ay magugulat ko sila.

"Kumain muna kayo." sabi ng kapapasok na si Kuya na may dalang mga paper bags. Agad naman kaming nagkumpulan sa mesa at kumuha ng sariling pagkain.

Binuhos ko sa pagkain ang kaba ko. Kumain lang ako ng kumain at hindi sila pinansin na pinagtatawanan ang sitwasyon ko ngayon.

'Bad!'

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now