Chapter 34 (Mad)

374 25 1
                                    

Chapter 34
Mad

Zahara Rain's P.O.V
Pinark ni Allistair ang kotse sa isang mamahaling restaurant. Bumaba naman kami at pumasok na.

"Table for four please." nakangiting sabi ni Angeline.

"This way ma'am, sir." magalang na sabi ng waiter at iginaya kami papunta sa isang table for four.

Umupo na kami. Magkatabi kami ni Narouje at magkatabi naman sila Allistair at Angeline. Kaharap ko si Allistair at kaharap naman ni Narouje si Angeline.

"How are you, Zahara?" pagbubukas ng topic ni Angeline.

"Lah. 'Di ako belong." dinig kong bulong ni Narouje. Gigil na kinurot ko ang tagiliran niya sa ilalim ng mesa.

"Aray! Bakit ka ba nangungurot?!" daing niya at hinimas ang parte ng katawan niyang kinurot ko. "Gusto mo lang hawakan yung abs ko eh." nakangiwing dagdag niya.

Napapikit ako ng mariin. Ang sarap niyang patalsikin. Napabuntong hininga nalang ako para pakalmahin ang sarili saka nagmulat ng mga mata.

"I'm fine. How about you?" pilit ang ngiting sabi ko.

"Oh, I'm fine. How about you, Narouje?" nakangiting tanong ni Angeline.

"Oh, belong na 'ko." napaawang pa ng labi na bulong ni Narouje. Gustong gusto ko ulit siyang kurutin dahil mukha na siyang tanga. "I'm fine! How about you, Lucas?" tanong ni Narouje kay Allistair.

"Perfectly fine." walang emosyong sabi ni Allistair habang nakatingin sa mga mata ni Naoruje.

'May galit ba 'to sa mundo? Hindi nakakain ng lollipop?'

Nagbigay naman ang waiter ng menu isa isa sa amin. Napaamang pa ang bibig ko ng masanggi ang kamay ko sa kamay ng waiter at parang gusto ko nalang biglang sumabog ng haplusin niya pa ito. Dali dali kong binawi ang kamay ko at nagpanggap na abala sa pagtingin sa menu.

"Sa-Salad, please." pilit na hindi mautal na sabi ko.

'Bakit ba sunod sunod ang malas na dumadating sa'kin?! Kasalanan talaga 'to ng lalaking sinapak ko! Argh! Siya ang malas eh!'

"'Yon lang? You didn't eat lunch." gulat na sabi ni Angeline. Ngumiti lang ako sa kaniya bago napayuko para pagmasdan ang mga kamay ko. Wala na nga akong gana mas lalo pa akong nawalan ng gana dahil sa waiter na 'yon.

"Where's your manager?" tanong ni Allistair na ikinaangat ko ng tingin sa pagtataka.

'Hindi niya ba alam na sa waiter magsasabi ng order at hindi sa manager?'

"Why, sir? Is there a problem?" nagtatakang tanong ng waiter.

"Yes, you." prangkang sagot ni Allistair saka tumayo. "I need to speak to your manager. Your job doesn't suit you. You should be at a bar flirting with some girls." panlalait pa ni Allistair bago umalis para siguro hanapin ang manager.

Napaawang ang bibig ko sa gulat. Hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin at talagang kinakausap niya nga ang manager! Yumuko ang manager na parang humihingi ng tawad saka naglakad sa direksyon namin.

"I'm so sorry, Ms. Zahara, for the act of my employee. It won't happen again." sabi ng manager at yumuko. Gusto ko sanang sabihin ang 'raise' pero wala ako sa tamang sitwasyon para magbiro.

"It's fine. It is not your fault." pilit kong hindi mautal saka siya hinawakan sa dalawang braso upang paangatin ang tingin niya.

"Thank you for understanding, Ms. Zahara. It won't happen again. I promise." muling paumanhin nito. Ngumiti ako sa kaniya.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now