Chapter 14 (Japan)

335 21 0
                                    

Chapter 14
Japan

Zahara Rain's P.O.V
Agad kong tinutok sa kaniya ang katana'ng nakuha ko sa kaniya kanina. Hinawakan niya naman ito at sinipa ako sa tagiliran kaya nabitawan ko ito.

Napahinga ako ng malalim saka tinignan siya ng masama. Kasalukuyan niyang pinaglalaruan ang katana sa kamay niya.

Tumakbo siya papunta sa'kin habang nakaamba ang katana, handa ng isaksak sa'kin. Nanatili naman akong nakatayo sa kinatatayuan ko at hinintay ang paglapit niya.

Nang makalapit na siya ay isasagawa ko na sana ang plano ko ng may humarang sa atake niya. Nagsalubong ang kilay ko at napatingin sa taong nasa harap ko na sumalo ng atake niya.

"Are you that stupid to just stand there and do nothing when death is already approaching?" nang-iinsultong tanong niya kaya napataas ang kilay ko.

"I have plans and you stopped it." inis na sabi ko. Umirap lang siya saka inilagay ang pwersa sa katana'ng hawak at itinulak ito kaya napaatras si Maxine.

"Tss." singhal niya saka binigay sa'kin ang isang katana.

Kinuha ko naman ito at hinubad ang heels ko.

"Thank you by the way." bulong ko at pumwesto sa tabi niya.

"I'm not doing this for you. I'm doing this for someone." pambabara niya at hindi ko nalang siya pinansin.

"And who are you?" taas kilay na tanong ni Maxine.

"Lizzie Chan and you are?" masungit na tanong ni Lizzie.

"Maxine... Weston." nakangising sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Agad nanliksik ang mga mata ko ng ma digest ko na sa atay ko ang sinabi niya at mas lalong humigpit ang hawak sa katana'ng hawak ko.

"Ah, hindi ko kilala ang mga Weston. Your family must be poor." nakangising pang-aasar ni Lizzie.

"How dare you insult the name of the Weston's?!" sigaw ni Maxine at agad sumugod.

"Go! Ako na ang bahala rito!" sigaw ni Lizzie.

"What?! This is my fight!" pagmamatigas ko.

"Don't be so stubborn! You know your condition! Now go!" sigaw niya at sinipa si Angeline. Agad akong natauhan ng ma gets ang sinabi niya. "This bitch is just a piece of cake!" dagdag niya pa saka sinipa sa panga si Maxine.

"Thank you." emosyonal na sabi ko saka tumakbo papalayo.

Nakalabas na ako ng building at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga walang malay na katawan sa paligid.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ang mga kaibigan kong nakikipaglaban. Agad akong pumunta sa kanila at tumulong.

"Rain! Where's Lucas?!" pasigaw na tanong ni Aster at sinipa ang kaharap niya.

"Pumunta siya kay Angeline!" pasigaw din na sagot ko saka hinampas ang batok ng kaharap ko at nawalan naman ito ng malay.

Napaluhod ako ng may maramdaman akong malakas na paghampas sa likod ko. Napapikit ako sa sakit.

"Hahaha! Ito na ba ang anak ng mga Kinsgton? Mahina." pang-iinsulto niya at tinadyakan ang likod ko.

Napahugot ako ng hininga at sinubukang tumayo ngunit isang hampas muli ang sumalubong sa'kin. Napapikit ako sa inis saka umikot at sinipa siya sa tyan. Agad akong bumangon at sinugatan siya sa dibdib. Nanliliksik ang mga matang naglakad ako papunta sa kaniya habang hawak hawak ang katana.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now