Chapter 15 (Hunter)

325 23 1
                                    

Chapter 15
Hunter

Third Person's P.O.V
"WHERE THE FUCK IS MY WIFE?!" galit na galit na sigaw ni Allistair at nagpatuloy sa pagbabasag ng mga gamit.

"Get the tranquilizer gun." bulong ni Blain kay Melissa habang nakatingin kay Allistair na hawak hawak na nila Andrew, Ian, Yoshin at Luke. Nakipigil na rin siya dahil hindi talaga tumigil si Allistair sa pagwawala.

Tumango si Melissa at agad hinanap ang tranquilizer gun pero wala silang mahanap. Pati ang iba pang mga babae ay tumulong na rin ngunit parang kampi sa kanila ang malas dahil wala silang makita ni isa.

"Lucas, calm down! Walang magagawa 'yang pagwawala mo!" sigaw ni Audrain.

"Calm down?! How can I fucking calm down if my wife is fucking missing?!" galit na galit na sigaw ni Allistair at nagpumiglas sa pagkakahawak nila Luke pero mas lalo lang nilang hinigpitan ang hawak dito.

"I can't find the tranquilizer gun!" natatarantang sigaw ni Hannah at parang halos ihagis na lahat ng mga gamit para lang makahanap ng tranquilizer gun.

"Huhu! Sorry, dre!" sigaw ni Luke at hinampas sa batok si Allistair. Agad naman siyang nawalan ng malay. Sinalo siya ni Andrew na nasa tabi lang niya.

Napaupo ang lahat sa sobrang pagod.

"You dig your own grave, Luke." pang-aasar na sabi ni Andrew at natawa naman sila. Napanguso nalang si Luke.

"Magpasalamat nalang kayo at ginawa ko 'yon! Baka mas nauna pa ang burol natin kaysa sa pagsikat ng araw eh!" nakangusong sabi ni Luke at natawa naman sila.

"Kumusta na kaya sila?" napapabuntong hiningang tanong ni Arra.

Natahimik naman sila.

"Let's move. Baka mamaya ay magising pa 'to. Let's tie him in bed." sabi ni Blain at napatakip naman ng bibig si Luke.

"Manloloko ka! Balak mo pang pagsabayin si Lucas at Cheska?!" nanlalaki ang mga matang sigaw niya.

Nagsalubong ang kilay ni Blain bago siya binato ng unan na makuha niya sa sofa. Napahalakhak nalang si Luke at saka tinulungan si Blain na buhatin si Allistair papunta sa kwarto nila Rain.

Hininga nila ito sa kama at saka tinali. Napailing nalang ang mga babae ng makita ang posisyon ni Allistair. Nakatali ang magkabilang kamay sa magkabilang side ng kama maging ang mga paa nito ay hindi pinalampas.

"Gusto na yata talaga nilang mapaaga ang libing nila." napapailing na sabi ni Cheska.

"Ako na ang bahala sa kape." napapabuntong hiningang sabi ni Ian.

"Ako na sa tinapay."

"Ako ng bahala sa upuan at lamesa."

"Ako nalang mag-a-arrange ng pasugalan at ng mapagkakitaan naman natin ang pagkamatay nila. Para magkaroon naman ng pakinabang kahit papa'no."

"Ako na sa kabaong."

"Leave their companies to me."

Lumabas na sila ng kwarto at iniwan si Allistair sa loob ng kwarto, wala pa ring malay.

"I hope everything will be okay soon." napabuntong hiningang sabi ni Hannah. Inakbayan naman siya ni Ian at nginitian kaya ngumiti nalang din si Hannah sa kaniya.

"Let's just trust each other. Everything will be alright. Not now but maybe soon."

***

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now