CHAPTER 74 @(*^ェ^)@

274 10 1
                                    

Venjoe POV

"H-hey i said I'm sorry. Sorry kong nakapag sabi ako ng ganon, sorry don sa mga sinabi ko kanina. Alam kong nag padalos dalos ako ng salita kaya nandito ako para mag sorry. I didn't mean to say that nadala lang din siguro ako ng galit ko." Napailing iling ako dahil sa epekto ng boses niya sa puso ko. No, hindi pwede. Hindi ako pwedeng mag kagusto sa kanya. Kami pa ni siberia at kailan man hindi kami mag hihiwalay kahit na wala na siya at kahit anong mangyari siya at siya lang dapat ang mamahalin at nagugustuhan ko. "O-okay I'm sorry again.. Okay lang kahit hindi mo tanggapin ang sorry ko. Anyway its my fault again I'm so sorry i didn't really mean it." Mabilis ko siyang nilingon na sakto kakatalikod lang niya kaya mabilis akong tumayo at hinawakan ang braso niya upang pigilin siya sa pag tatangka niyang umalis.

"Na ngangamoy pag ibig ah.." Binaliwala ko ang sabi ni jayvee at tininoon ko ang attention sa babae na ngayon ay naka tingin na pala sa kamay kong nakahawak sa braso niya kaya napapahiya kong tinanggal ang kamay ko mula sa pag kakahawak sa braso niya sabay kamot ng ulo ko.

"I'm sorry kung hindi agad ako naka sagot masyado lang akong nagulat. Your forgiven anyway so don't bother to say sorry. Ako dapat ang humingi ng tawad dahil nasaktan yata Kita.." Sabi ko at napayuko dahil sa kahihiyang nagawa ko kanina. Pinakiramdaman kong muli ang tibok ng puso ko. At laking pasalamat ko ng bumalik na ito sa normal.

Kinabahan lang yata ako kanina o di kaya nagulat lang ako dahil hindi ko inaasahang lalapit siya saamin at hihingi ng tawad kahit sa kabila ng nagawa ko sa kanya.

"Don't be sorry mister. I know I deserve it so its okay let's forget about it. Pano ba yan okay na tayo? Pwede naba akong bumalik sa pwesto ko?" Napatitig ako sa mukha niya na may matamis na ngiti sa labi at hindi kona naman maintindihan ang puso ko kung bakit bigla itong tumibok ng malakas dahil lang sa matamis na ngiti niya na naka paskil sa labi niya.

"Wala ka namang kasama hindi ba?" Biglang tanong ko dahilan upang mapatigil siya sa akmang pag lalakad at humarap siya saakin bago nag tatakang tumango. "W-why don't you join us to know better each other?" Biglang sabi ko at kung paano biglang lumabas yun sa labi ko ay hindi ko alam dahil basta nalang ito biglang lumabas.

"H-hindi na nakakahiya sa mga barkada ko and don't worry sanay na akong mag isa dito dahil palagi naman akong nandito at nakakahiya talaga sa inyo baka maistorbo ko pa kayo. So pano ba yan nauna na ako ha?" Pilit na ngiti niyang sabi at sa ikalawang pag kakataon ay nagulat ako ng hawakan ko ang kamay niya para pigilin.

Hindi ko alam kung bakit nag kakaganito ang kilos ko parang hindi din ako sa sanay hindi kona alam kong bakit ako umaakto ng ganito at kung bakit nakakaramdam ako ng ganito gayong dapat ay wala na akong paki sa kanya dahil nag sorry na naman ito. Don't tell me that I starting to like her? Damn! Am I cheating to my girl? Am I cheating to Siberia.?

"M-may kailangan kapa ba?" Biglang sabi niya dahilan para matigil ako sa pag iisip. Muling natuon ang attention ko sa kanya lalo na sa magka hawak naming kamay bago muling itinuon ang attention sa kanya.

"Dito kana lang wag ka ng mahiya kami lang din naman yung nandito at isa pa mabuti nga kung nandito ka para makasali ka sa laro namin." Sabi KO at kusang ngumiti ang labi ko. At sa aaminin ko o hindi ngayon lang ako ngumiti ng ganito sa isang babae kaya nga nakakapag taka talaga kung bakit ako nag kakaganito. Is this the sign to be happy again to another women?.

"Oo nga Samahan mo nalang kami dito miss.." Si jayvee na saakin naka tingin na merong nakakalokong ngiti kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Cae..Caeleen Delo Santos.. Just call me Cae" sabi niya. Inaya ko siyang maupo kaya napipilitan at nahihiya siyang nAupo na para bang wala na siyang choice.

"I'm jayvee Alonzo, this is Alvin Monarco and that boy beside you was Venjoe Jay Zapanta.." Pag papakilala ni jayvee pero..Pare pareho kaming nagulat ng may biglang sumingit.

"And I'm sheila de malas jayvee's girl" Lahat ng attention namin ay naibaling kay sheila na masama ang tingin kay jayvee at sa kamay nito na akmang makikipag kamayan kay kay Cae.

"Mabuti pa siya at napansin niyo? Eh akong kanina pang nasa likod niyo ay hindi niyo napansin? Oh venjoe okay kana pala? Kailan pa? Ahh siguro mula ng makuha ang attention mo ng babaeng yan kaya ka naging okay? Kitang kita ang pag hanga at spark sa mata mo ah? Bilis nating maka move on sa best friend ko ah? Well sa bagay sino ba namang hindi makaka move on eh 4years na Simula ng mawala siya. Sayang may magandang ibabalita sana ako sainyo pero mukhang nag kakasiyahan kayo at may bago pa kayong kasamang babae.." Napakunot ang mga nuo namin dahil sa biglang sinabi ni sheila na hindi namin maintindihan. Lalo na nung makita naming maluha luha ang mga mata niya ng ibaling niya kay jayvee ang paningin.

"At ikaw jayvee akala ko nag bago kana akala koba malinaw ng hindi ka pupunta dito? Pero nakinig kaba? Oh well sino ba namang mag tatagal sa akin eh isa lamang akong hamak na tomboy! I can't handle you.. I can't handle this relationship so we should stop this let's break up.. At ikaw venjoe! I will make sure na makakarating ang kagaguhan mo sa bestfriend ko! Mag sama sama kayong lahat! Mabuti nalang at nawala siya kesa naman mapunta sa gagong katulad mo! You don't deserve my best friend! Tama nga ang sabi ni Siberia.. Hijo de puta ka!" (Hijo de puta means .. 'Son of a bitch' bad words po yan sa Spanish)

**

Don't forget to vote, comment and follow! Dahil hindi ko i po post ang next chapter kapag wala ni isang Vote and comment! Pasensyahan nalang tayo mwuahhh😚

For more update just visit my Facebook page @tomenesakira

Thank you babies!

♥♥t o m e n e s a k i r a♥♥

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora