CHAPTER 118 \(・`(ェ)・)/

102 4 0
                                    

Caeleen POV

Mabilis akong nag bihis, may plano ako ngayong araw para kay Siberia, maghanda ka sisirain kita sa lahat. Tingnan nalang natin kung mayroon pa ring maniniwala saiyo matapos ang gagawin ko.

Madumi akong mag laro at yun ang hindi niya alam, eh ano bang alam nya e di hamak na gangster lang naman siya na nagsisiga-sigaan pwe!

Nakakarindi! Hindi ko na alam kung bakit nagkagusto sakanya si Venjoe. Tsk tsk! Ngayon ko lang na realize na nawalan yata ng taste si Venjoe sa pag pili ng babae buhat ng hiwalayan niya ako.

Anyway I won't regret it, mabuti na nga sigurong nag hiwalay kami dahil natauhan ako kung sino ba ang karapat-dapat kong pag aksayahan ng oras. And I was thankful to him kasi ng dahil sakanya nalaman ko ang tunay kong nararamdaman.

I do really love Vin, distraction lang si Venjoe at nagkataong palagi ko siyang kasama kaya iniisip ko na mahal ko na siya but I was so wrong dahil ng magkasagutan kami ni Vin ay saka ko lang na realize na siya pala talaga yung mahal ko.

Napailing-iling ako sa aking iniisip at mabilis na bumaba ng bahay saka sumakay ng sasakyan. Its time to do the step one, let me see your reaction Siberia, Wag ako.

•S•I•B•E•R•I•A• •P•O•V•

Laking pasalamat ko ng matapos na ang paghihirap ko, ilang araw din akong hindi pumasok dahil hindi ko kayang pumasok baka makapatay ako ng wala sa oras. Ayoko ng maingay at magulo kapag meron ako kaya ako na yung nag adjust.

"Ilabas nyo si Siberia!" Naikiling ko ang ulo ko sabay demonyong ngumisi.

Blessings...

"Narito ka na pala." Ngisi niya habang nakahawak sa microphone inilagay ko ang kamay sa bulsa ng pantalon ko at walang emosyon siyang tiningnan.

"Musta? Balita ko... Nagkakamabutihan na kayo ng Vince na iyon? Balita ko... Pinagsasabay mo sa banga mo silang dalawa ni Venjoe?" May inilagay silang upuan sa harapan kaya mabilis akong umupo doon sabay pikit ng mata.

"Ganyan pala ka kapal mukha mo no? Hmm balita ko din na... Na malandi mama mo kaya hiniwalayan ng daddy mo?" Nagmulat ako ng mata at nginisihan siya.

"Mag hunos dili ka sa pinag sasasabi mo baka... Baka mapatay ka niya." Sinabayan ko ng halakhak nakita ko ang pag tataka sa mga mata niya. "Hindi mo gugustuhin na makaharap ang aking ina, pinaimbestigahan mo ko no? HAHAHAHA nakakaawa ka, kukurampot lang na impormasyon... Nag papaniwala ka." Matamis ko siyang nginitian. Pero sa kaloob looban ko gusto ko na siyang patayin, ngunit isa siya sa magiging susi para makilala ko si Dracula.

"Hindi ko alam na sobrang kapal talaga ng pag mumukha mo----"

"Hindi mo din alam ang sinsasabi mo, kilala ako ng pinuno mo ngunit hindi niya sinabi sainyo kung sino ako at kung ano yung pinasok nyo?" Patanong ngunit sarkastiko kong sabi sakanya. Nakita ko ang unti-unting pag rehistro ng gulat sa mga mata niya.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now