CHAPTER 106 (/ ̄(エ) ̄)/

125 7 0
                                    

"Ang aga natin ah wala namang pasok dahil holiday ngayon." Padarag akong umupo sa mesa hindi ko alintana ang tingin ni mommy at ni Liam.

"Akala ko wala ka ng balak umuwi dito." Usal ko na hindi ko ibinabaling kay Liam ang paningin, kataka-taka at umuwi siya dito sa pilipinas, akala ko nag eenjoy siya sa palasyo kaya hindi makadalaw-dalaw dito.

"Mission..." Doon na ako nag angat ng tingin at matalim siyang tiningnan.

"What kind of mission that they give into you, Liam?" Walang emosyon kong tanong, sa pagkakaalala ko ay ako lang ang may mission dito sa pilipinas.

"Call me kuya and I will tell you my mission." Padarag kong ibinagsak ang kutsara at tinidor na hawak ko at sinamaan siya ng tingin.

Ngunit yung gago nakakalokong ngisi ang sumilay sa labi, I don't have a fucking choice! Kung hindi ko gagawin ang nais niya ay hindi niya sasabihin saakin ang mission niya. Hindi ko alam kung anong klaseng mission ang meroon siya, ayokong mapahamak siya.

"Fine! Can you tell me your fucking mission, KUYA?" gigil kong sabi at pinagdiinan ko ang huling salita.

Ng humalakhak siya ay mas lalong sumama ang timpla ng itsura ko, idagdag nyo pang hindi ako natulog! Bwesit tong gagong to! Kunti nalang at masusugod ko na siya ng wala sa oras!

"Answer my question first, remember I ask you first?"

"Damn the fucking you, Liam! Fine! We're having a sisters bonding! Now tell me your fucking mission or else I'm gonna throw this knife to you!" Galit kong sigaw na umalingawngaw sa buong mansion.

"Whoa! You're too hot Lil sis well my mission is to protect you no matter what." Hindi ako nakapagsalita at napanganga ako.. They are the same.. Liam and Vince.. "HSHSHSHSHS your too serious Lil sis of course hindi totoo yan, well ang totoo kong mission ay tulungan ka sa mission mo ng makaupo kana sa Trono." Inis kong ibinato sakanya ang kotsilyo at padabog akong tumayo at nagtungo sa garahe. Pesteng Liam yun kung hindi ko lang siya kapatid baka nakahandusay na siya ngayon.

HABANG nagmamaneho ako ay may napapansin akong sasakyan na mula sa malayo na pasimpleng nakasunod saakin. May kutob ako na sa kalaban ang sasakyang iyan, dahil sino ba ang maglalakas loob na sundan ako gayong sa lugar na ito ay kilala kung anong klase ang pamilya ko.

Hanggang sa makarating ako sa Mall ay naroon parin ang itim na sasakyang palihim na nakasunod saakin.

"Ateeeee! Sabi ko na ngaba at mauuna ka dito dahil nabasa ko kaninang madaling araw yung reply mo!" Tipid kong nginitian si Shane at si jhela na kapwa malawak na nakangiti saakin.

Hindi na ako nakasagot dahil bigla nila akong hinila papasok ng mall, ngunit nakita ko sa gilid ng mata ko ang mabilis na pagbaba ng tatlong kalalakihan at isang babae na mabilis na lumingon saamin at mabilis na pasimpleng sumunod.

Kung ordinaryong tao lang ako ay hindi ko mapapansin ang pagsunod nila saakin. Ngunit hindi sila makakaligtas saakin. Nagkamali sila ng taong sinundan, ang buong akala ko ay magiging masaya kami ng kapatid ko ngayon dahil ito ang kauna-unahang nagkasama kami.

"why your not nakikinig ba ate!" Nabaling ang paningin ko sa conyong nagsalita, napangisi ako kay jhela.

"Ano ba kasi ang sinasabi mo?" Panunuya ko halata kasing napipikon na ngunit pasimple kong tinitingnan sa sulok ng mata ko ang mga nakasunod saamin.

"I was saying na I want to play arcades first! But ate Shane want to eat first! But I'm not starving!" Nakanguso nitong pagsumbong saakin bago sinamaan ng tingin si Shane, humalakhak lang si Shane dahilan upang magtubig ang mata niya.

"Hindi pa kayo kumakain?"

"Yes!" -shane

"No!" -jhela

Napahalakhak ako sa isinagot ni jhela hindi ko alam kung bakit napaka isip bata nito, pero nagpapasalamat ako dahil isa ito sa mga rason kaya wala siyang kaalam alam sa nangyayari sa paligid namin.

"Pupunta ako sa rest room, so jhela. Kakain muna tayo a dahil hanggang hapon tayo dito, gusto mo ba yun?" Nakangiti kong sabi, kahit na puno na ng galit ang isip ko dahil natatakot ako na baka mapahamak ang mga kapatid ko kaya hanggang maaari ay harangan ko ang nakasunod saamin at kung maaari ay patahimikin ko na ito kaagad. "Mag order ka nalang, Shane. Para pag punta ko dun makapagsimula na tayong kumain." Nang tumango si shane ay dali-dali akong naglakad patungong rest room, at ramdam na ramdam ko na saakin sila nakasunod.

Nang lumiko ako ay huminto ako at sumandal na hindi nila kaagad makikita at kasabay ng pagsandal ko ay syang paghintuan ng apat. Kaya walang emosyon ko silang tiningnan at malademonyo akong ngumisi habang hawak ko ang baril ko.

"One wrong move and all of you will die." Malamig kong usal habang hindi nawawala ang malademonyo kong ngisi.

"Paano mong----"

"I see your car was park on our hours meters away, at ng umalis ako ay mabilis kayong sumunod. Mahina ang pagpapatakbo ko ngunit nanatili kayong nakasunod saakin hindi niyo siguro napapansin na pansin kong nakasunod kayo." Malademonyo akong ngumisi at umalis sa pagkakasandal sa pader at dahan dahang naglalakad patungo sakanila at bawat tunong ng sapatos ko ay siyang pagtunog ng malakas ng nga puso nila. Hindi pa ito bihasa, ngayon palang siguro nila nakita si kamatayan.

Nang balakin nilang tumakbo at isa-isa kong binaril yung mga binti nila, hindi nakagawa ng ingay ang baril ko dahil naka silencer ito. Sa loob ng apat na segundo ay sabay-sabay silang bumagsak habang hawak ang kanilang mga binti na tinamaan.

"Ayaw na ayaw ko ang ganito kapag nagliliwaliw ako, sa susunod siguraduhin nyong tama ang timpla ko bakasakaling makipaglaro pa ako sainyo, ngunit sa susunod na ating pagkikita ay hindi ko na kayo pagbibigyan ng muling pagkakataong huminga. Ipaparanas ko sainyo kung paano habulin ni kamatayan." Matapos kong magsalita ay tumalikod na ako ngunit batid ko ang kanilang gagawin, sabay-sabay silang bumunot ng baril ngunit bago paman nila ito maikasa ay sabay-sabay ding nagliparan ang kanilang mga baril, ng humarap ako sakanila ay gulat ang rumihistro sakanilang mga mata kaya ngumisi ako sakanila bago ako tuluyang umalis.

***

Dito nalang ako magsasabi para maging aware kayo, baka last update ko na muna ito dahil mamaya na mag e-expired yung load ko! Huhuhuhuh... Sana ngalang hindi ako tamarin namagsulat kapag nagkaroon nako ulit ng load!

Thank you for readingggg!!!

***

Don't forget to vote, comment and follow! Dahil hindi ko i po post ang next chapter kapag wala ni isang Vote and comment! Pasensyahan nalang tayo mwuahhh😚

For more update just visit my Facebook page @tomenesakira

Thank you babies!

♥♥t o m e n e s a k i r a♥♥

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now