CHAPTER 103 《/( ̄(エ) ̄)ゞ》

133 3 0
                                    

"What kind of place is this?" Napangiti ako sa tanong niya habang nakakunot ang kanyang nuo. Masusurprisa ko kaya siya ngayon? How I really wish, knowing Siberia hindi mo talaga malalaman kung ano ang kanyang iniisip at kung ano ang kanyang mga gusto at kung ano ba ang magpapasaya sakanya.

"I think I can surprise you this time?" Patanong kong wika habang nakangisi dahil hindi ko na talaga mapigilang masabik na ipakita ito sakanya.

Mabilis kong hinawakan ang kamay niya parang ako yata ang nasasabik na makapasok sa loob. Nakita ko lang ito sa online ng maghanap ako ng lugar kung saan maaring makapagliwaliw ang taong may pinagdaraanan. Hindi ko pa nababatid kung ano ang nasaloob ng lugar na ito o kung tunay ngabang makakapagliwaliw ang taong may pinagdaraanan.

•S•I•B•E•R•I•A• •P•O•V•

Parang nalulukot ang puso ko sa nakikita kong saya at pananabik sa mata ni Vince. Hindi ko dapat nararamdaman ang lahat ng ito dahil isa ito sa kahinaang hindi dapat pairalin. Ngunit sa aaminin ko naging importante na saakin si Vince, ngunit hindi ibig sabihin nito ay maililigtas ko siya sakanyang kamatayan.

Dahil pinag isip sila kung dapat bang tanggapin ang misyon o hindi. Ang pagtanggap ng misyon ay sya ring nangangahulugang pagtanggap mo saiyong nakatakdang kamatayan. Ang buhay mo ay sabay na magtatapos sa misyong tinanggap mo.

Ang pagtanggap niya sa misyong ito ay isang napakalaking kalapastanganan kaya kahit na gaano siya saakin kaimportante ay hindi ko maaaring dugtungan ang buhay niya.

Ngunit sa kaibuturan ng aking puso ay parang may isang bagay akong na realize, ang buhay ng mga naglilingkod saamin ay walang kalayaan. Kagaya ni Vince, isa sya sa kawal ng palasyo at ang tanging katungkulan niya ay paglingkuran ng tapat ang nakaupo sa trono, hindi sila nagkaroon ng pagkakataong maranasan ang nagkaroon ng normal na buhay.

At para bang ipinagkait namin ang kasiyahan sakanila, damn it bakit ngaba ganito? Lalo akong magpupursigi upang baguhin ang nakaugalian ng buong palasyo.

"S-siberia..." Walang emosyon kong tinitigan si Vince, nakita ko na may nais siyang sabihin ngunit nag aalangan siya.

"Spell it out, Vince." Malamig ang tinig kong usal, I don't want to treat him like this dahil kagaya nga ng sinabi ko ay mahalaga na siya saakin, nagkaroon siya ng puwang saaking puso.

Ang tingin ko ngayon sakanya, ay para siyang isang batang naghahanap ng kalinga at attention ng magulang na parang ipinagkait namin salahat.

"Possible kayang mainlove LA saakin kung ako ang nauna mong nakilala?" Sa itinanong niyang iyan ay parang may kung anong bumara sa lalamunan ko na hindi ako kaagad nakapagsalita.

Nararamdaman kong nahuhulog na siya saakin, hindi ako ipinanganak na martir kaya randamam na ramdam kong may nais siyang aminin saakin.

Ngunit kung siya ngaba ang nauna kong nakilala kisa kay Venjoe ay possible kayang sakanya ako nahulog?

"Hindi ka mahirap magustuhan, Vince. Kung sigurong ikaw nag nauna kong nakilala ay may posibilidad siguro." Diritsa kong sagot sakanya ng hindi manlang siya nililingon dahil kapag lumingon ako sakanya at nakita kong nasasaktan siya ay pakiramdaman ko may parte ng pagkatao ko ang nasasaktan din.

"Alam mo bang mahal na kita Siberia?" Hindi ako umimik sa pag kompronta niya saakin ng katotohanan. "Inggit na inggit ako kay Venjoe ngunit gustuhin man kitang ipaglaban ngunit nabibilang nalang ang oras ko sa mundong ito." Hindi ko pa ding magawang umimik lalo na sa huling salitang binitawan niya.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now