CHAPTER 132 ヘ(༎ຶ ཀ༎ຶヘ)

87 4 0
                                    

Siberia POV

Mabilis akong napabangon ng marinig kong tumutunog ito, napatingin ako sa cellphone ko, ang nagpapadala ng babala na mensahe saakin. Napakunot ang noo ko at sinagot ito.

"What the fuck---" inis kong sagot pero pinatayan ako ng tawag kaya maslalo akong nainis akmang hihiga na sana ako ng ma realize ko ang isang bagay.

Fuck! Bakit ito tatawag saakin? At nang sagutin ko ang tawag ay pinatay nito? Tiningnan ko ang alarm clock ko upang makita kong anong oras palang, maslalo akong nag taka ng makitang 12midnight palang. Nang biglang nag vibrate yung cellphone ko ay mabilis ko itong kinuha, tama nga ang hinala ko. Nag txt na naman siya.

From: be safe

2am susugod sila habang tulog kayo, please be prepare I'm sorry for disturbing but please take care and be safe!

"Fuck!" Malakas na mura ko at mabilis akong tumayo, akmang lalabas na sana ako ng ma realize ko na wala pala akong bra! Taena! Mabilis akong pumunta sa banyo at ginawa ko ang dapat kong gawin bago lumabas.

"Fuckkkk! Magsigising kayo at maghanda!!!" Umalingawngaw ang malakas kong sigaw sa buong palasyo, natataranta silang nagsibangon at kapwa nagkagulo sa pagkuha ng kanilang mga baril.

"Nasaan ang kaaway! Nasaan!" Napailing ako kay berteng dahil sa reaction nito, lahat sila sinamaan ko ng tingin kaya bumuntong hininga sila at umayos ng upo.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na nandito ang kalahating mga tauhan ng chairman sky, pero sa tingin ko ay magagamit ko ang mga ito.

"Magsibihis kayo at maghanda, 2am naririto na ang mga kaaway halina't salubongin natin sila, nagkamali ata sila ng teritoryong pinuntahan." Nagtatagis ang bagang kong usal, at tinalikuran sila upang makapaghanda ako.

Tingnan nalang natin kung sino ang mananalo sa labanang ito---mabilis kong tiningnan ang cellphone kong muling nag vibrate.

From: be safe

Hahabol ang pinuno nilang si Dracula kaya wag kang masyadong magpapagod sa labanang ito upang hindi maubos ang lakas mo sa paghaharap nyo ng pinuno nila.

Itinago ko ang cellphone ko matapos kong mabasa ang mensahe nito, hindi ko alam kung paano ako makakapag pasalamat sa nagpapadala ng mensahe saakin. Hindi ko naman kilala kung sino ang nasa likod nito, Sinubukan kong I trace ang number niya ngunit napapailing ako sa lumalabas.

Nang matapos ako sa paghahanda ay muli kong kinuha ang cellphone ko upang tawagan at papuntahin ang mga kasama ko sa mission na ito. I used an Internet to make a group call on them.

(Your highness!) -si Vince na halatang gusto pang matulog muli.

(Siberia? Anong meron?) -si liam, hindi pa natutulog ang gago. 9pm palang siguro ngayon sa espanya.

(Your highness!) -napaikot ako ng mata sa sigaw ni Ken maging si Vince ay napaayos ng upo na para bang ngayon niya lang na realize na totoo ako at hindi panaginip niya lamang.

(Is there any problem?) -si Loyd na OA kung makareact. Naghintay ako ng ilang sandali kong may magsasalita paba pero nang mapansin kong wala na saka lang ako nag desisyong magsalita.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن