CHAPTER 95 ('・⊝・' )

137 7 1
                                    

Siberia POV

Hindi ko alam kong tama ba ang ginawa ko pero ayoko din namang maging makasarili pero hindi bat makasarili ang tawag saakin gayong kasama ko si vince tapos si venjoe naman talaga ang nasa isip ko?.

Pakiramdam ko para na akong nangloloko ng tao, hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang pilit na ikinukibli na nararamdaman ni vince saakin.

"Do you like this place?" Iginala ko ang paningin ko sa buong paligid at kagaya nga ng inaasahan ko sinunod niya si Liam. Lihim akong napailing at matipid na nginitian si Vince.

"Sa susunod wag kang makinig kay Liam para hindi masira ang diskarte mo" matapos kong mag salita ay muli kong iginala ang aking mga mata at lihim akong napangisi.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay malapit ko ng malutas ang mission ko dito. Mas lalong pinapadali ng sumusunod sakin ang lahat, hindi ko alam kong lalaki o babae ba ang nasa likod ng maskara niya.

"Teka.. Don't tell me.." Nilingon ko siya at hinila pabalik sa kotse niya.

"Hintayin mo ako dito ako na ang bibili ng kwekwek, hindi ka pwedeng bumili ng ganyan baka madukutan ka" usal ko sabay kindat sa kanya at umalis.

"Kung patuloy mo akong susundan, sisiguraduhin kong hindi kana masisikatan ng araw." Pa simple kong bulong sakanya at tinabig siya. Mabilis siyang kumuha ng balisong samantala ako ay nanatiling nakatayo at malamig na nakatingin sa kanya at hinihintay kong ano ang kanyang gagawin.

Ng hindi siya kumilos ay inilagay ko ang kamay ko sa bulsa at mabilis na tumakbo paroon sa bahaging hindi matao at nag kubli ako sa isa sa puno, at kagaya nga ng inaasahan ko ay mabilis din itong nakasunod sa akin.

"Basi sa dibdib mo ay na nganga hulugang lalaki ka.. Hindi ko lubusang maisip kong bakit ako ang pinipilit niyong kalabanin. Maliban nalamang kong wala kayong alam tungkol sa katauhan ko at parte pa ito ng pang ba blackmail niyo sa mga Ygrid para lang lumabas ako sa lungga ko." Usal ko at mabilis ngunit maingat akong lumipat sa puno upang mag kubli.

Maingat din akong umakyat sa puno upang mag masid sa ikinikilos niya. Lihim akong napangisi. Isa sa mga nakakasalamuha namin sa Ygrid ang salarin. Hindi nito magawang mag salita dahil natatakot itong makilala siya.

•E•N•E•M•Y• •P•O•V•

sino ka ngabang talaga Siberia? Bat parang kinikilabutan ako sa tuwing nag sasalita ka? Bakit pakiramdam ko ay hindi ka basta basta? Bakit pakiramdam ko ay nag mula ka sa mataas na angkan? O baka isa ka sa mga konseho? Ngunit bago ka maging konseho ay dapat may anak.

"Pag nakababa ako at nandyan kapadin sa baba ay sisiguraduhin kong makikilala kita" natigilan ako sa mautoritado niyang boses kaya wala akong ibang magawa kundi ang mabilis na lumayo sa lugar na iyon.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now