CHAPTER 129 (▲( ෴ )▲)

82 4 0
                                    

Napangisi nalang ako dahil sa kagaguhan ng hayop na to.

"Putangna mo, nakakadire ka bro. Asa ka! Baka ikaw pa yung ma inlove sakin! Kadiri ka kapag nagkataon kingna mo! Hahaha" tawang-tawa kong sabi sakanya, tumawa din siya ede para na nga kami baliw gago.

Pero malaki-laki din ang naitulong ni Alvin dahil kung wala tong hayop na to, baka umiiyak lang ako ngayon dito sa kwarto.

"Hayop! Malala ka na talaga bro, tangina! Kanina nakangiti ngayon taena malungkot na naman? Gago! ano bang iniisip mo? Natatakot na talaga ako hayop ka!" Binato ko siya ng unan, kung ano-ano kasi ang iniisip ng gago na to.

"Tigilan moko baka saksakin kita mamaya." Iyan nalang ang nasabi ko at kinuha ko yung cellphone ko.

•S•I•B•E•R•I•A• •P•O•V•

Kasalukuyan akong nakakubli ngayon sa itaas ng puno malapit aa kwarto ni Venjoe. Naisipan ko lang na bantayan siya at tingnan na din, pero sa nakikita ko ngayon? Ang saya niya, parang walang nangyari?

Ganito ba talaga siya? Bakit pakiramdam ko... Sa aming dalawa ay ako lang yung nasasaktan at nagdudusa? Bakit parang wala lang yung nangyari saamin? Bakit mukhang naka move on na kaagad siya?

Hindi ko na tuloy alam kung ano yung paniniwalaan ko sa mga sinasabi niya, alam niya ding nasa mission ako at sana ay alam niya ding mag posibilidad na sinisira lang kaming dalawa?

Nasagi ba iyan sa isip niya? Hindi ba din ba niya naisip na baka pagsubok lang sa relasyon namin to? Bakit ngaba ang dali-dali lang niyang bumitaw? Minahal niya ba talaga ako ng totoo?

Hindi sa pinaghihinalaan ko ang pagmamahal na ipinapakita at ipinaparamdam niya pero hindi ko lang talaga maiwasang hindi maitanong kung tunay niya ba talaga akong minahal kasi sa nakikita ko ngayon sakanya?

Parang ang bilis-bilis niyang naka move on, at ang pamilya niya... Akala ko ba ay kilala na nila ako pero bakit hindi nila ako pinagbigyan ng pagkakataong makapaliwanag kung bakit ko nagawang itago iyon?

Natigil ako sa pag-iisip ng may makita akong kotseng paparating, hindi ko na sana ito papansinin ngunit nagtaka ako dahil bakit sa malayo ito pumarada?

Nagngitngit ang buong sistema ko at muling nanalaytay ang galit sa puso at isip ko ng makitang babae ang bumaba, umakyat ito sa pader ng bahay nila. Lumingon-lingon pa ito ng makababa.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na gabi ngayon dahil naikukubli ako ng dilim o dapat ba akong mabahala dahil kapag may nangyari ay walang makakapansin sa paparating?

Nagsitagisan ang mga bagang ko ng mamukhaan ko ang babaeng dahan-dahang naglalakad patungo sa gawi ko, balak niya din yatang magkubli sa punong pinagtataguan ko.

Mabuti nalang at mahigit isang oras na akong naririto, at wala akong dalang sasakyan dahil motor yung ginamit ko patungo dito.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now