CHAPTER 122 ( ̄(エ) ̄)

88 3 0
                                    

Siberia POV

Kuyom ko ang kamao ko habang tahimik na nag-iisip. Sinisimulan na nilang idamay yung mga taong malalapit saakin at ipinagpapasalamat ko na tinuruan sila ni Liam ng mga self defense hindi na madadagdagan yung problema ko.

"Are you okay?" Hindi ko pinansin si Liam, mataman ko nalang na tinitingnan sina Venjoe at Vince na kapwa nagsasanay.

"I'm sorry..." Mabilis akong tumayo at umalis, wala akong panahon para sa kadramahan ni Liam. Hindi ko din alam kung ano yung gagawin ko sakanya.

Parang gusto kong manakit sa mga oras na ito, masyado akong nasaktan sa ginawa ni Shane. Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba siyang tingnan kapag nagkita kami, at maslalong hindi ko alam kung makakaya ko ba siyang hindi saktan kapag nagkita kami.

•V•E•N•J•O•E• •P•O•V•

Nang matapos kaming magsanay ay nagsiupuan na kami, nakita kong malungkot si Liam, I guess di pa rin siya pinapansin ni Siberia.

"Venjoe." Natigil ako sa akmang pagtayo ng tawagin ako ni Vince, kumunot ang noo ko ng makita kung gaano siya LA seryoso.

"Bakit?" Puno ng pagtataka kong tanong.

"Please take care of her, kapag wala na ako sana alagaan mo siya. At sana mabuhay kayo kagaya ng dati na hindi ko pa pinapasok ang buhay nyo." Natahimik ako sa sinabi niya, alam kong mawawala siya sa landas namin pero imbes na matuwa ay parang nalulungkot ako na hindi ko mawari.

"Wala bang paraan para hindi ka na hatulan?" Seryoso ko ding sabi habang nakatingin siya, mapait itong ngumiti at umiling.

"Wala, ang batas ay batas. Walang pumilit saaking tanggapin ito, ako mismo ang humarap sa aking kamatayan. At sa palagay mo naririto ako ngayon kung hindi ko tinanggap yung mission? Sa palagay mo? Makikilala nyo kaya ako?" Natahimik ako sa sinabi niya, may point sya pero kung hindi niya tinanggap yung mission ay hindi sana siya malalagay sa alanganin. Hindi din sana kami mahihirapan ng ganito pero alam kong hindi namin pinagsisisihan ang araw na nakilala namin siya.

Kahit sa hindi magandang pagkakataon. Kahit puro kompetensya at pag aaway lamang na realize ko na isa din siya sa dahilan kung bakit natauhan ako.

•V•I•N•C•E• •P•O•V•

Narealize ko na hindi na dapat ako makipag-agawan kay Venjoe, dahil kapag ako ang minahal ni Siberia ay masasaktan lamang ito dahil nakatakda akong mawala, masasaktan lamang siya kaya ko siya ipaparaya.

Alam kong mahal na mahal niya si Venjoe, mahal ko din siya kaya ibibigay ko sakanya ang kalayaan upang tuluyan na siyang sumaya. Ayokong maging hadlang sa pagmamahalan nilang dalawa dahil sila naman talaga ang orihinal.

Naalala kopa ang sinabi niya kahapon pagkauwi niya galing kona sheila na sinugod ng mga tauhan ni Dracula. Nag plano na siya...

flashback—

Napatayo kaming lahat ng bigla siyang pumasok, nasa head quarters kaming lima dahil ipinatawag niya kami dahil mayroon siyang mahalagang sasabihin saamin.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now