CHAPTER 115 ⊂(^(工)^)⊃

112 3 0
                                    

"Anong klase ka niyang mission? Kaaway ba? O ano?" Ang katahimikan kanina ay si Venjoe ang bumasag nito, sakanya naibaling ang attention naming lahat.

"Mission niya ako, tinanggap niya ang missiong iniaatang sakanya ng konseho." Tipid ngunit halatang gusto niyang ipaintindi kay Venjoe ang bawat salitang binibitawan niya ngunit hindi pa din nito maunawaan ang sinasabi niya, maging ako siguro kung ordinaryong lalaki lang ako baka hindi ko din maiintindihan ang sinasabi niya.

"Missiong patayin?" Malalim na bumuntong hininga si siberia tila ba hinahabaan ang pasensya niya dahil ang pag pupulong namin ay tila siya ang gumagambala.

"Kakampi si Vince, at ang mission niya ay panatilihin akong buhay hanggang sa matapos ang mission ko dito." nanatili kaming nakikinig sa pagpapaliwanag ni Siberia Kay Venjoe. That man was so lucky to have Siberia. Every man dreams to have her.

"Bat sabi ni Sadava na mamamatay siya? Dahil sa po-protektahan ka niya?" Muli nitong tanong, parang ngayon lang nag sink in sa utak ko kung bakit niya isinama dito si Venjoe.

Isinama niya ito dahil balak niyang tapusin na ang kanyang mission at isinama niya ito upang madagdagan ang kaalaman nito, lalo na kapag nakaupo na si siberia sa trono. Gusto niyang ihanda si Venjoe, ngayon palang nasasaktan na ako ulit, talagang wala akong laban sa puso ni Siberia dahil umpisa palang panalo na si Venjoe at ako itong talunan.

"Mamamatay siya sa kahit na anong paraan, mali ang pagkakaintindi mo. Kapag naka survive siya sa pag protekta saakin, nakatakda pa din siyang mamatay." Nag-uusap sila na parang wala ako, pinag-uusapan pa nila ang aking kamatayan, lihim akong napangiti ng mapait.

"Ang gulo, bakit mamamatay siya kung maliligtas siya?" Nagugulumihanan pading tanong ni Zapanta.

"Mamatay siya, dahil ang gawing mission ang nakatakdang umupo sa trono ay isang napakalaking kapangahasan at kalapastanganan na mahigpit na ipinagbabawal, lahat ay dapat na sumunod sa alituntunin dahil ang paglabag sa alituntunin ay kamatayan ang parusa." Napanganga si Venjoe sa sinabi ni Siberia, isa ito sa batas na ipinagbabawal suwayin mapataas o mababa kamang uri.

"Ngunit... Sino sakanya yung nag utos sa napakadelikadong mission na iyan?" Hindi na dapat ako magtaka o magulat kung bakit hinahayaan siya ni Master Liam at Lady Master na mag usisa tungkol sa palasyo ngunit sadyang nakakapagtaka kasi, ngunit halatang gustl nila si Venjoe para kay Siberia. At napakasakit nito para saakin, talagang wala akong kalaban laban kay Venjoe pag dating kay Siberia.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now