CHAPTER 88 ˎ₍•ʚ•₎ˏ

149 7 0
                                    

Siberia POV

Ng makaaalis sila Venjoe hindi padin ako matigil sa pag tawa kahit na wala na ang baklang binayaran ko. That was so priceless! Alam ko namang meron padin akong puwang sa puso mo Venjoe pero kagaya nga ng binitawan kong salita sayo sa clinic tatawanan nalang kita. Now play the games that you started with.

Natigil ako sa pag halakhak at pumito ng mahina. Tama nga ako sa lalaking minamanmanan ko baka ito na ang kasagutan sa lahat ng mission ko. Pero kailangan kong bumuo ng magandang plano para mahuli ang taong ito. Lalo nat napag alaman kong si venjoe ang main target nila. Dadaan muna sila sa dahas ko bago nila mahawakan ang hibla ng buhok niya. Handa akong pumatay para kay venjoe. Simulan na nilang tumawag sa kampon nilang si satanas kapag nawala sa paningin ko si venjoe.

"Alam niyo ba bali-balita sa school natin na may limang babaeng namatay mula sa Ygrid International school ba yun!" Pa simple ako lumapit sa tatlong babaeng nag uusap dahil sa narinig ko. Kuyom ko ang kamao ko. Nag sisimula na kayo..

"Omg! Pano mo nalaman eh hindi naman tayo nag aaral dun?"

"May pinsan akong nag aaral dun. Absent pa kasi. Anyway hindi mag kakasama ang namatay at sa magka ibang lugar sila pinatay pero.. Pero iniiwan ito sa labas ng bahay ng pamilya at may perang nakalagay sa hiniwang tyan nito! At ang sabi sa sulat na kasama ng pera ay kung hindi makakapag bibigay ng pera ang pamilya nito ay sila mismo ang mag bibigay ng pera! At ang perang iyon ay galing sa laman loob ng biktima!!" Kuyom ko ang kamao ko at sabay na nagsi pagtagisan ang mga bagang ko dahil sa narinig ko.

Zapanta.. Ganun naba kayo kahayok sa pera para pati buhay ng nga inocente ay idamay niyo!

Dahil sa galit KO ay kuyom ang kamao ko at masama ang aura ko habang nag lalakad hanggang sa makarating ako sa motor ko at mabilis itong pinaandar at wala pang kinsi minuto ng paandarin ko ito ay nakarating agad ako sa bahay ng lolo ni Venjoe. Halos paliparin ko ang sinasakyan ko mabilis lang akong makarating sa mga zapanta.

Umuusok ang pinadarahan ko dahil sa alikabok ng daan. Bumaba ako sa motor ko at nagulat ang mga bantay doon dahil sa biglaan kong pag sulpot Sa harap nila. Tinutukan nila ako ng baril kaya nanlilisik ang mga mata kung binalingan sila ng tingin.

"Kapag ipinutok niyo yan siguraduhin niyong mapapatay niyo ako dahil ititira ko kayong buhay kapalit ng ulo ng pamilya niyo upang mag dusa kayo. Masama akong kalaban at hindi ako madaling mamatay." Malamig at maautoridad kong sabi kaya sabay sabay silang nag sibabaan ng baril maliban sa isa.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now