CHAPTER 83 (=^‥^=)

146 9 1
                                    

(Nakalimutan niyo yatang mag comment? Do you interested what would happen next? Let's see kapag hanggang dito walang comment i swear di kona to susulatan👌 madami akong pending story na gagawin. Gagawa pa ako ng pang battle na story sa paparating na writing contest kaya bala kayo👐)

Venjoe POV

May kirot sa puso akong naramdaman ng marinig ko ang huling sinabi niya. Bakit ko ngaba nasabi yun? Nasabi koba yun dahil galit ako sa kanya? Pero pano kong pinakinggan ko nalang ang explanation niya? Bakit ngaba siniraduhan ko ang puso ko para sa kanya. Sana kinausap ko nalang siya ng maayos. Sana nakipag bati nalang ako pero masisisi niya ba ako kung ganon ang sabihin ko? Yun kasi ang nararamdaman ko.

"Babe.." Nilingon ko si cae at pinakiramdaman ko ang puso ko. Mahal koba talaga ito o tama sila na ginawa kong rebound si cae para tuluyan kong makalimutan si Siberia?

Pero nakalimutan koba siya? Bakit natanong ko sa sarili ko kung mahal koba talaga si Cae? Bat hindi kona maramdaman ang spark between me and Cae? Bakit hindi na kagaya ng dati na kapag nakikita ko siya ay lumulundag ang puso ko? Bakit biglang nag iba? Pansamantala lang ba ang nararamdaman ko para kay Caeleen?.

"Venjoe? Are you okay?" Natauhan ako sa iniisip ko ng naramdaman ko ang mainit niyang palad sa mukha ko kaya napangiti at napatango ako.

Kailangan kong maka siguro sa nararamdaman ko para kay Cae hindi ako pwedeng mag padalos dalos ng disisyon. Walang patugunguhan ang buhay ko kapag isip at galit ang Paiiralin ko.

"I-im sorry venj.. Hindi ko sinasadya ang nagawa ko sayo.. A-akala ko kasi.. Akala ko kasi hindi ikaw.. Akala ko ang lalaking antipatiko ang humawak sa braso ko kaya sorry talaga. Hindi ko intention na saktan ka.. Hindi ko din ginusto ang iwan ka pero masyadong mapilit si siberia.. P-pwede bang sabihin mo sakin ven kung sino si siberia?" Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa huli niyang sinabi. Pero ano ngaba ang na kaka gulat ang tanong niya o ang marinig ang pangalan ni siberia?. Bakit ngaba si siberia ang palaging iniisip ko?.

"Sa nauna mong sinabi ay okay lang nagulat nga ako sa ginawa mo pero sino ba ang antipatikong sinasabi mo?" Pilit kong iniiba ang topic naming dalawa dahil parang ayokong pag usapan si Siberia dahil nag ngingitngit na naman ang puso ko sa galit kapag naalala ko ang panloloko ni Siberia sakin. Lalo na ng pamilya niya na sinabi saaming patay na siya.

"I don't know him ven. Pero naalala mo nung bigla mo akong hinalikan at tumakbo ako dahil nahiya ako sayo cause that was our first kiss.. Ehem so yun na nga ewan koba kung sino ang nakabangga saamin ako ba dahil hindi ako tumitingin sa tinatakbuhan ko o siya din dahil nasilip kong busy siya kaka cellphone.. So now tell me sino ba si Siberia sa buhay mo venjoe at bakit parang may kilabot akong nararamdaman sakanya? At paano siya naging parte sa buhay mo?" Napalunok ako sa tanong niya. Hindi ko talaga maiiwasan ang ganitong topic dahil alam kong may karapatan din siyang malaman sa nakaraan ko so I don't have a choice but to tell her about Siberia.

"Remember nung sa bar tayo nag kita?" I pause at mataman siyang tiningnan ng tumango siya ay malalim akong bumuntong hininga. "That was 4years ago. Palagi kaming nandun halos araw araw dahil gusto kong makalimutan si siberia.." Pinilit Kong pakalmahin ang sarili ko ngunit hindi ko nagawa nag sitagisan ang bagang ko dahil sa nag aapoy na galit na nararamdaman ko. "Siberia was my first love.. Nag karoon ako noon ng dalawang girlfriend.. Si Satana at si Demonica.. Ngunit hindi din nag Tagal ang relasyon ko sa dalawang babaeng yan. Ex ko sila at minahal ko sila pero hindi kagaya ng pag mamahal ko Kay siberia.. Kahit na si Bella na nililigawan ko noon at niloko lang ako.. Ni hindi ko naramdamang nasaktan ako at alam ko kung bakit dahil hindi ko naman talaga siya mahal. Almost 6months akong nanligaw Kay bella pero ego kolang ang nasaktan niya hindi ang puso ko. At alam kong kakaiba si siberia.. Naging bakla ang paningin nila noon saakin dahil sa sobrang pag mamahal ko sa kanya." Nanatiling nakikinig si Cae sa kwento ko. Hindi ko maiwasang hindi banggitin ang naging ex ko at hindi ko din maiwasang maipag kumapara ang nararandaman ko sa naging ex ko at Kay siberia.

"Base on your story.. Can I ask you one question ven? Do you love me? Mahal mo ba ako ng higit pa sa pag mamahal mo Kay siberia?" Natigilan ako sa tanong niya at maging ako ay tinanong ko ang sarili ko. Do I love you Cae? Bakit hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko sayo? "Anyway don't answer my stupid question. Ituloy mo nalang ang pag kwento mo. I want to know who Is Siberia" nahimigan kong may pait sa boses niya pero nanatili akong walang imik at ngumiti nalang ako sa kanya. Ngayong hindi ako sigurado sa kanya ay Hindi dapat ako gumawa o mag sabi ng bagay bagay na pag sisisihan ko. Ayokong may masaktan sa kanilang dalawa at sana maluwag sa puso nila kung sino ang muli Kong pipiliin.

"Junior high ako ng maging kami ni siberia.. Masaya kami noon until one day may masamang nangyari. Napakabilis ng pangyayari sa isang iglap lang ay nalaman kong patay na siya at ngayon ay nag babalik siya at buhay siya?.. Anyway wag na natin siyang pag usapan. Bukas walang pasok.. Yayayain sana kitang makipag date if thats okay with you. Dahil hindi pa tayo nakakapag date Simula ng naging tayo.. I want to spend my weekend with you" hindi ko alam kung tama ang disisyon ko pero gusto Kong maka siguro sa nararamdaman ko sa kanya bago ako mag disisyon. Gusto ko siyang makasama ng matagal para malaman ko kung totoo akong may nararamdaman sakanya. Dahil kung wala ay handa akong patawarin si siberia at handa akong pakawalan si Cae maitama ko lang ang pag kakamali ko.

Don't forget to vote, comment and follow! Dahil hindi ko i po post ang next chapter kapag wala ni isang Vote and comment! Pasensyahan nalang tayo mwuahhh😚

For more update just visit my Facebook page @tomenesakira

Thank you babies!

♥♥t o m e n e s a k i r a♥♥

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant