CHAPTER 108 ('(エ)`)

113 3 0
                                    

"Wala na kaming alak! Baka may balak kayong pumunta na dito para makakuha kami!" Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Liam mula sa sala kaya nagkatinginan kami nina rose at sheila at sabay na tumango. Dinala ko nalang yung kapeng itinimpla nila saakin sa sala.

"Ahm.. Siberia." Sinamaan ko ng tingin ang dalawa dahil sa muli nilang sabay na pagsasalita.

"Hindi ko alam na nag practice pala kayong dalawa, in fairness ah sabay na sabay." Nakakalokong sabi ni Rose kaya sakanya nabaling ang tingin ng nadalawa na kapwa masama siyang tiningnan.

Magsasalita na sana ang dalawa ng may biglang kumatok kaya nag agawan sina sheila at rose sa pag punta sa sala kaya naiwan kaming tatlo dito.

"Alam kong magsasabay na naman kayo, damn! Now, Vince. Talk first." Malamig kong usal na hindi manlang tumitingin sakanila.

"I-if you remember, i-i confess my feelings to you. Gusto ko sanang mangligaw sa ayaw at sa gusto mo." Sa sinabi niyang iyon ay napalingon ako sa gawi ni Venjoe pero kaagad ko din itong binawi, and suddenly a memory flashed in my mind.

"G-gusto sana kitang ligawan.. Joy I'm willing to do everything to prove you how much serious I am when it comes to you..."

"Can you allow me to love and wait you to love me back? Can you allow me to court you?"

"Titigil kaba pag sinabi kong ayokong mag paligaw sayo?"

"S-so that means"

"P-pumapayag kang ligawan kita?"

(A/N: na sa season 1 Chapter 27 yarn baka nakalimutan nyo, yung na sa beach sila para sa project doon nangligaw si Venjoe Kay Siberia at doon din nagkita si Siberia at Loyd na ex niya.)

"I didn't say na pumapayag ako"

"But I didn't say din na hindi ako pumapayag.. Its your choice kung man liligaw ka o hindi. Pero isa lang ang masasabi ko wag kang mag expect agad na kaya kitang mahalin ng mabilis"

"Gusto ko kapag sinagot na kita ay totoong mahal na kita. Ayokong sagutin ka dahil naaawa o nakukulitan ako sayo. Kaya ko to sinasabi sayo para aware ka. I want to be fair. At sana.. K-kapag dumating yung oras na mahal na kita.. Sana huwag mo akong saktan at sana nasa tabi pa kita."

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now