CHAPTER 93 (`Θ')

154 6 1
                                    

Venjoe POV

Napakunot ang nuo ko ng makita ang isang sasakyan sa bahay nila cae.

"What should we do pare? Tutunganga lang ba tayo?" Hindi ako umimik sa halip ay bumaba na lang ako na ginaya naman niya. Hindi ko na siya nilingon dahil batid kong nakasunod naman siya sakin.

"Sir bilin po ni ma'am Cae na wag daw po muna akong mag papasok ng iba." Mas lalong kumunot ang nuo ko sa sinabi ng guard. Dati rati naman ay pinapapasok ako nila ka agad.

"Nandyan ba si amanda? Nandito ang boyfriend niya baka pwedeng siya nalang muna ang papasukin mo" pekeng ngiti ang iginawad ko sa guard matapos kong mag salita. Nilingon ko si jayvee na nakangiti pero halatang nag tatanong ang mga mata.

"Kanina pa nandyan ang girlfriend ko hinahanap na siya nina mommy at daddy, nag pasama lang ako kay venjoe dahil hindi ko alam ang bahay nitong kaibigang sinasabi niya." Sakay ni jayvee sa trip ko na lihim ko namang ipinag pasalamat sa kanya.

"Sino hong amanda?" Sabay kaming nag katinginan ni Jayvee dahil sa isinagot ng guard.

"Si amanda ang girlfriend niya ang sabi sakin ni cae na tinawagan siya ni Amanda na kaibigan niya na may emergency daw dito.. So nasan na ang nobya nitong kaibigan ko?"

"Naku sir pasensya na po pero wala po akong amanda na kilala tatlong taon na ako dito pero minsan ay hindi kopa nakikita ang amanda na sinasabi niyo pero.. Madalas marinig kong may kausap ang nobyo niyo sir Ma'am Amanda ang tawag niya at madalas ko ding naririnig na palagi niyang binabanggit ang Mission.." Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa kasinungalingan ni Cae. Anong mission ang sinasabi ng guard na ito cae at sino ang amanda na sinasabi mo? Nag sisinungaling kaba sakin? Pero bakit hindi ko agad nahalata?

"Kanino hong kotse yang isa manong? Kasi parang familiar sakin eh parang nakita kona yan hindi kolang matandaan kong sino sa kaibigan ko ang may sasakyang ganyan." Nag tataka kong nilingon si jayvee na titig na titig sa kotseng kulay pula.

"Ay sir pasensya na ho kayo pero hindi ko ho kilala e, pero pang apat na beses na iyang naparito. Medyo matangkad po siya hindi ko nakikita ang mukha dahil may facemask at tsaka palaging naka sobrelo, sa pag kakaalam ko ho ay madaming sasakyang ganyan dito sa pilipinas lalo na sa mayayamang tulad niyo baka naman ho sir na nagkataon lang na mag kapareho ang sasakyan ng kaibigan niyo at ang sasakyang iyan." Napatango tango si jayvee bago ako nilingon.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now