CHAPTER 133 (˼●̙̂ ̟ ̟̎ ̟ ̘●̂˻)

101 6 0
                                    

Napangisi si Siberja ng makitang naubos na muli ang ipinasugod sakanila, kaya nag desisyon si Siberia ba ikumpas ang kangang kamay kaya sunod-sunod na nagsindihan ang mga ilaw.

HINDI malaman ni Dracula ang mararamdaman nya. Unti-unting bumukas ang pintuan at kanya-kanyang pwesto ang mahigit isang katerbang tauhan ni Siberia. Naikuyom nalamang niya ang kanyang kamao dahil sa matinding inis. Hindi niya alam kung paanong nakahanda ang mga ito ng ganoon ka bilis! Isa lang ang naiisip niya may traydor sa kanyang pinamumunuan!

"Tatawagan ko ang aking kapatid! Kailangang makahingi ako ng tulong! Pronto! Hindi natin kakayanin ang dami nila!!" Nanggagalaiting sigaw ni Dracula at mabilis na nagtungo sa kanyang sasakyan.

•S•I•B•E•R•I•A• •P•O•V•

Pinababa ko na sina ken at sabay-sabay kaming dahan-dahang naglalakad palabas ng gate. Nakataas pa ang noo ko habang napapagitnaan ng apat. Napangisi ako ng makitang kakaunti nalang sila.

"Si Sadava..." Nilingon ko si Vince ng magsalita muntik pakong mapailing-iling, ilang araw ko na silang tinatrato ng malamig dahil alam kong mangyayari ang araw na ito, ang paghaharap-harap naming lahat at ayokong magsisi-iyak kapag may nalagas na malapit na kaibigan sakin.

Baka tuluyan na akong makapatay. "Vince and Loyd, kunin nyo si Sadava." Malamig kong usal mabilis naman silang tumalima sa utos ko.

Lalo na si Vince, alam kong nagkakagusto na siya kay Sadava kaya puro pangalan ni Sadava ang binibigkas niya napailing na ako ng tuluyan, hindi ko alam kung dapat ba akong maawa sa kanilang dalawa dahil kapag nagkataong nahulog si Sadava Kay vince ay masasaktan lang ito.

Dahil ang kapalaran ni Vince pagkatapos ng mission na ito ay napakalabong mabago, mauuna siyang patawan ng kamatayan bago ako makaupo sa trono. Baka nga habang naglalakad kami sa palasyo ay bigla nalang siyang bumagsak o baka naman pagkatapos na pagkatapos nitong mission na ito ay panain o barilin siya ng konseho.

Mabilis na ikinasa at itinutok ng mga tauhan ko ang kanilang mga baril ng may lalaking naglalakad papalapit saamin, at kagaya ng kapatid ko ay nakatakip din ang mukha nito. Huminto ito dalawang metro ang layo mula saamin at dahan-dahang tinanggal ang nakatakip sa mukha niya.

"Kamusta, Siberia?" Nakangisi niyang sabi ng matanggal ang nakatabon sa mukha niya, hindi na ako nagulat ng mapagtanto ko kung sino ito.

"Alvin..." Nakangisi ko ding banggit sa pangalan niya, hindi ko ipinahalata na biglang sumiklab ang galit ko ng makilala ko siya dahil alam ko na ang magiging reaction niya.

Lihim akong napakuyom ng kamao ko, at unti-unting may nabuo sa hinala ko. Nasa bahay siya nila Venjoe nung isang araw yata yun na nagpunta ako kina Venjoe ng palihim, si Cae nasa bahay din nila Venjoe at ang sabi nila Ken ay may lalaking ikinumpas ang kamay at binigyan ng signal si Cae na umakyat na sa loob ng kwarto ni Venjoe, doon na din kumilos sila Ken upang pigilan si Cae at nagpakita si Loyd sa pamilya ni Venjoe kaya hindi sila nagkaroon ng pagkakataong masaktan o magalaw si Venjoe.

"The traitor..." Nagngingitngit kong banggit sa huli kong sinabi.

"Hindi kaba magugulat? HAHAHAHA o baka naman hindi mo lang magawang ipahalata na gulat ka ng makita akong nasapanig ng kaaway? Kahanga-hanga ang galing mo talagang magtago ng emosyon. Hindi na ako magtataka kung bakit kita nagustuhan noon." Tumalim ang tingin ko sa sinabi niya, nababaliw na yata ang gagong to.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now