CHAPTER 123 ('∀')ノε○₃

87 4 0
                                    

Siberia POV

"How she is? Did she talk?" Tanong ko kay mommy ng tumawag siya. Siya yung pinapunta ko doon sa palasyo upang magbantay kay Shane.

(She'd cry)

Aniya sa mababang tinig sinabayan pa niya ng buntong hininga.

"Kill her." Mabilis kong usal na walang bahid ng ano mang awa.

(Siberia!!)

Saway niya sakin, pero umiling ako na parang nakikita niya.

"She's a traitor mom. So we need to kill her---"

(She's your sister for Pete's sake, Siberia! Ano nalang ang mararamdaman ng daddy at kapatid mo? Nang mommy niya? Did you even think? Wag kang mag padala sa galit mo anak. Kapatid mo parin siya)

Hindi ako nakaimik dahil tama ang sinabi niya, pero kapag naalala ko ang ka trayduran niya ay parang gusto kong wakasan ang buhay niya.

"Siberia!!" Napaupo ako sa kama ko ng marinig ko ang sigaw ni daddy.

"I'll call you later, Mom. Nasa labas si Daddy at hinahanap ako." Matapos kong magpaalam sakanya ay pinatay ko na yung tawag at lumabas sa kwarto ko.

"Dad." Mahina ang boses kong usal, sumandal ako sa pader baka bumigay ako nanghihina yung tuhod ko, nakita kong may luha sa mga mata niya kaya yumuko ako upang hindi ko ito makita.

"N-nawawala yung kapatid mo, Anak. Please find her, please." Napaayos ako ng tayo at mataman siyang tiningnan, magsasalita na sana ako ng may biglang sumingit.

"Ate..." Nilingon ko ang bata kong kapatid, parang matutunaw yung puso ko ng makita kong sunod-sunod na pumatak ang luha nito, tumakbo siya papalapit saakin at niyakap ako. Pakiramdam ko ay parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ko magawang magsalita.

"Kahapon pa siya nawawala, ikaw lang ang naisipan kong lapitan anak. Please do find her." Basag ang boses na sabi ni daddy, tumikhim ako upang umayos ang boses ko.

"Pagkatapos ng mission, hahanapin ko siya. but for now, dad. I'm sorry pero busy pa kami, ang hinala ko ay may kinalaman si Dracula sa pagkawala ni Shane." Iyon lang ang sinabi ko bago ko binuhat si jhela at dinala sa kwarto ko upang patahanin.

"Don't cry baby, ate's here. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama saiyo." Sabi ko hinimas-himas ko yung buhok niya hanggang sa makatulog ito. Saka lang ako lumabas, nadaanan ko pa si daddy na tulala habang may hawak na wine, pinili ko nalamang na hindi siya puntahan baka masabi ko pa sakanya yung totoo.

"May kinalaman ka ba sa pagkawala ng anak ko?" Nilagok ko ang wine na hawak ko at tiningnan si Amanda.

"Ikaw? May kinalaman ka ba sa pagkawala ng kapatid ko?" Balik kong tanong sakanya, noon pa ako naghihinala sakanya. Pero alam ko naman kung gaano niya kamahal yung mga kapatid ko kaya nag e expect ako na hindi niya dadalhin ang mga ito sa kaphamakan.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now