CHAPTER 126 ↜(Ψ▼ー▼)

88 4 0
                                    

"Ven..." Hinabol ko sila hanggang sa parking lot at dahil nga sa walang kotseng dala si Venjoe ay kasabay niya yung mga magulang niya, balak sana siyang hatakin ng ate niya ng pigilin niya ito.

"Let's talk, can you please allow me to explain? Can you please allow me to defend my self? At pwede bang pakinggan nyo na muna ako bago nyo ko husgahan?" Hindi ko alam kung bakit ang labas ng sinabi ko ay naiirita imbes na nagpapaawa upang pakinggan nila ako.

May karapatan akong mainis dahil sa pamghuhusga nila saakin kaagad, pero heto ako ngayon, hinahabol sila upang magpaliwanag. Damn! Wala naman talaga akong pinagsabihan ah! Magkakaharap kami ng Cae na iyan sisiguraduhin ko ding paglalamayan siya ng mahal niya sa buhay.

"Explain for what? To make you lie again to us? To allow you to fool us again? My mom was right, we all trusted you. Pero ano ang natanggap naming kapalit? Siberia! Lahat ng sikreto ko, napakaliit o napakalaki ng sekreto ko ay sinasabi ko sayo, pero bakit naman ganito? Bakit? Ilang beses tayong nagkasama... Yung tayong dalawa lang pero bakit naman hindi mo saakin sinabi? Putangina naman oh! Mahal kita Siberia pero ang madamay ang pamilya ko? Ibang usapan na yun! Pamilya ko na yun eh!" Naikuyom ko ang kamao ko, maging siya ay naniniwala. Ano pa ngaba ang ipapaliwanag ko!

"Don't you ever believe me? Akala ko ba... Kilala mo ako?" Pigil ang galit kong tanong sakanya. Ang akala ko ay kilala niya ako, hindi ba nila naisip na kaya ko lang naman hindi masabi-sabi ang tungkol dito ay dahil ayokong magkasira sila?

Hindi din lang ba nila inisip na para din naman sa pamilya nila ang ginawa ko? Bakit ba ako ang nagmumukhang masama gayong sila lang naman tung iniisip ko? Mali ba akong isipin kong ano yung mararamdaman nila?

Mali ba ako ng disisyon na huwag pangunahan ang Chairman nila? Mali ba iyon? Wala naman talaga ako sa posisyon para pangunahan ang desisyon ng pamilya nila, at higit sa lahat nangako ako sa Chairman nila, at mayroon akong isang salita. Pero ang lahat ng ginawa at sakripisyo ko ay nagmumukhang masama sakanila! Ganito na ba kakitid ang mga utak nila?

"Yun na nga eh, Siberia! Akala ko din naman kilala na kita pero kingna lang mukhang mali yata ako! Naniniwala naman talaga ako sayo pero pagkatapos ng mga nalaman namin? Sabihin mo nga! Paano pa ako maniniwala sayo?! Hindi ko na alam kung sino at ano pa yung paniniwalaan ko!" Nakuyom ko ang dalawang kamao ko dahil sa sinabi niya, ganito ba talaga kahirap akong paniwalaan?

"So, hindi mo na ako pagpapaliwanagin? Why? Mas naniniwala ka kay Cae?! For fucking sake! We're never been a friend! wala akong natatandaang naging magkaibigan kami! Bakit hindi mo gustong marinig ang paliwanag ko! Akala ko ba mahal moko?! Pero pesteng pagmamahal mong iyan! Napaka peke naman!" Galit siya, galit din ako! Damn him! Paano niya nasasabing mahal nya ako e magtiwala nga hindi niya magawa eh! Ang mahalin nya pa kaya ako!

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora