CHAPTER 102 ⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝

129 11 0
                                    

Vince POV

Hindi ko alam kong dapat ba akong magsalita habang tahimik kaming naglalakad ni Siberia paalis sa hospital. Hindi ko din lubusang maisip kong bakit ganoon nalang para sakanyang mapagtagpi-tagpi ang pangyayari at matukoy kung sino ang tunay na may sala, hindi an din siguro ako dapat mag taka kung isang araw nakatutok na saakin ang baril niya at nangingimi na siyang patayin ako.

We all know her at alam namin ang gusto at hindi niya gusto at walang nagnanais na sumalungat sakanyang kagustuhan dahil si Siberia ay si siberia at walang makakapag pabago ng katotohanang magaling siya sa lahat.

And I know every man was fall for her hindi lang dahil sa taglay nitong ganda ngunit maging sa talino, liksi at bilis din nito, hindi ko nga din alam kung bakit sakanya nahulog ng tuluyan ang iniingatan kong puso. Wala akong idea na possible nga pala akong mahulog kay siberia. All I was thinking all the time is how can I protect her if she can protect herself without asking a help?

At sa aaminin ko na kinaiinggitan kong talaga si Venjoe dahil sakanya nahulog si siberia to the point na kaya nitong gawin ang lahat ma protektahan lang nito ang lalaking mahal niya. At ngayong pareho kaming may mission ay batid kong padadaliin na niya ang lahat. Alam kong nais na niyang mabuhay ng payapa sa loob ng palasyo at makasama ang lalaking totoong iniibig niya. How I wish that it is me, pero para akong naghanap ng buhok sa kalbo.

"I really hate when someone staring at me." Nagulat ako ng magsalita siya habang nakatalikod. Lahat ng ginagawa niya kahit na alam ko na ay ikinakagulat ko pa rin.

"San ka pupunta ngayon?" Lakas loob kong tanong habang patuloy na nakasunod sakanya.

Sobrang lapit na niya saakin ngunit pakiramdam ko ay may pader na nakaharang sa pagitan namin na hindi ko magawang makalapit sakanya. Ramdam ko din ang kirot ng puso ko, bakit ngaba ako nasasaktan? Bakit ngaba minahal ko si Siberia kahit na sa kabila ng lahat ay alam kong may iba na itong napupusuan?

Ngunit palagi kong iniisip kung sakali bang nauna akong makilala niya kisa kay Venjoe... May possible kayang saakin siya mahulog? May possible kayang maging masaya kami? Ngunit kung hindi niya nakilala si Venjoe at hindi siya napahamak magkakaroon kaya ako ng pagkakataong makasama siya?

Dahil ng mapahamak siya ako ang naatasang tumingim sakanya at isa lang ang kapalit ng pagtanggap ko sa misyong ito... Buhay ko.. Dahil isang kalapastanganan ang gawing isang misyon ang nakatakdang umupo sa trono kahit pa utos ito ng konseho.

"I need peace of mind, Vince. Masyado ng maraming nangyari sa araw na ito, kaya nais kong pag pahingahin muna ang utak ko" Hindi ko alam pero may tuwa akong naramdaman ng sinabi niya sakin iyan, we all know that Siberia was the kind of girl who was full of mystery at nakakagulat talagang ipaalam niya ang kanyang gagawin. She's really full of surprise, she never failed me to surprise.

"Maaari ba akong sumama? I know some place na makakapag pa relax sayo." Determinado kong pakiusap sakanya.

Kung pagbibigyan ako ng pagkakataong makasama siya ngayon at maging karamay niya sa kinakaharap na problema, hindi ako magdadalawang isip na samahan siya at aminin sakanya kung ano ang tunay kong nararamdaman.

"Okay." Ngiti ang tanging nagawa ko sa huling sagot niya, sana hindi magbago ang pakikitungo niya sakin kapag umamin ako ng tuluyan saaking nararamdaman sana nga lang din ay hindi niya ako palayuin dahil hindi ko kakayaning layuan siya. Hindi ko kayang hindi siya lapitan o kausapin manlamang.

"Siberia, c-can I ask you?" Basag ko sa katahimikan ng makasakay na kami sa kotse ko at kasalukuyan akong nag mamaneho.

"You're asking already." Sa isinagot niyang iyan ay napakamot ako ng batok ko. Damn nag sisimula na naman siyang barahin ako.

"Do you really love that man?" Tanong ko na parang gusto kung kastiguhin ang sarili ko dahil batid ko naman! Para talagang ako ang nagbibigay ng sakit sa sarili ko.

Namayani ang matinding katahimikan kaya nilingon ko siya na sobrang lalim ng iniisip habang nakatulala. Hindi ko alam na mayroong ganitong side si Siberia.

"I'm sorry for asking that." Pilit kong itinago ang pait saaking tinig upang huwag niyang mahalata na nasasaktan ako. Masakit ang mahalin si siberia dahil walang kasiguraduhang mamahalin ka din nito.

Sa kabila ng napakarami niyang iniisip napaka swerteng lalaki ni Venjoe dahil nasakanya ang buong attention ni Siberia, kahit na hindi namin siya kasama, batid kong iniisip niya ito. Samantalang ako ung narito sa tabi niya ngayon ngunit iba ang kanyang iniisip.

"Nagkaroon kana ba ng girlfriend?" Hindi ko alam kung matatawa o masasktan ako sa itinanong niya.

Paano ako magkakaroon ng pagkakataong makakilala ng babae kung ang buong attention ko ay nasa palasyo at naglilingkod ng tapat? Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong magliwaliw sa mundong ito hindi ko alam kung dapat ko bang pasalamatan ang konseho dahil sa panibagong mundong ipinamulat nila saakin.

"NGSB ako, Siberia. Baka hindi mo naitatanong, wala akong natatandaang nagkaroon ako ng pagkakataong kumilala ng babae." Tumingin ako sakanya at ngumiti na hindi umabot sa mata ko, ngayon kolang narealize na sobrang lungkot nga talaga ng buhay ko.

Kung dati hindi ko ito napagtutuunan ng pansin dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makahalubilo sa ibang tao. Hindi ko nga naranasang uminom, parang ngayon ko lang na realize na hindi normal ang nagiging takbo ng mga buhay namin sa loob ng palasyo.

"That's the saddest part of life to you, Vince." Hindi na ako nagsalita dahil inihinto ko na ang sasakyan ko at nakangiting bumaba ako at pinagbuksan siya ng sasakyan.

Malalim akong bumuntong hininga, ngayong aamin ako sa totoo kong nararamdaman ay nararapat lamang aminin ko sakanya kung ano ba talaga ang tunay kong nararamdaman at katauhan, kahit na may pakiramdaman akong kilala na niya ako. Walang maitatago kay Siberia dahil batid naming lahat kung gaano siya katalino no one can fool the destined to be queen.

Don't forget to vote, comment and follow! Dahil hindi ko i po post ang next chapter kapag wala ni isang Vote and comment! Pasensyahan nalang tayo mwuahhh😚

For more update just visit my Facebook page @tomenesakira

Thank you babies!

♥♥t o m e n e s a k i r a♥♥

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now