CHAPTER 117 ⊂(ο・㉨・ο)⊃

110 5 0
                                    

Third Person POV

"Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaction ni Siberia. Ang buong akala niya ay malilinlang niya tayo." Malademonyong ngumisi ang babaeng nakaupo sa parang trono habang nilalaro ang matalim na balisong sakanyang kamay.

"Kailan mo balak lumantad?" Usal ng babaeng mayroong mahabang kulay berdeng buhok sabay hithit ng kanyang sigarilyo.

"Antayin nating sumikat ang araw, titingin ako sa malayo at kayong apat lamang ang mag papakita at nagbibigay ng hudyat sakanya na malapit ng magsimula ang tunay na laban! Hindi din ako papayag na ganunin niya ang mahal kong kapatid! Napakatinding pasakit ang ibinigay niya sa aking kapatid at hindi ako papayag na hindi maging patas ang labanan! So we need to killed her love ones bago siya." Isang malapad na ngisi ang namuo sa batang babaeng tahimik na nakamasid sakanila habang naka kubli sa matayog na puno kung saan nagkukuta ang kanilang tinatawag na Dracula.

"How's there mission?" Usal ulit ng may berdeng buhok, tumalim ang mga mata ni dracula na para bang isang napakalaking kahunghangan ang tanong ng may berdeng buhok.

"Kapag natapos patayin nyo na, pero batid kong malabong magawa ang mission nila hayaan na siguro nalang natin si Siberia ang mismong kumitil ng mga buhay nila." Mabilis na panaog ang ginawa ng batang babae at umalis na.

Hindi niya hahayaang magtagumpay ang kanyang ina sa binabalak nito! Malakas ang hinala niya na mayroong pinag kakaabalahan ang kanilang ina kaya nagpasya siyang sundan ito at tama nga siya ngunit hindi niya naman aakalain na kasamaan pala ang pinagkakaabalahan nito.

Nais niyang sugurin at komprontahin ang kanyang ina kagaya ng napapanuod nila, ngunit hindi teleserye ang meron sila at ayaw niyang mapahamak, dahil madami siyang kailangang gawin.

Kailangan niyang maghanda dahil batid niyang maypapanigan siya sa pagitan ng kabutihan at kasamaan. wala na siyang pakialam sa kung ano ang magiging reaksyon ng ina niya basta ang tanging nais niya ay kapayapaan sa pagitan ng pamilya nila.

"Hindi ko hahayaang pagtagumpayan mo ang iyong kasamaan mom, I'm sorry but I need to do this." Umiling-iling ang bata, sumakay siya sa taxi na pinaghintay niya mula sa malayo saka nagpasyang umalis na sa hide out ng kanyang ina.

•S•I•B•E•R•I•A• •P•O•V•

"letsugas! Bat ba ang kukupad niyo! Hindi nyo ba narinig ang sinabi ko na magsilayas kayo dahil ayoko ng maingay!" Nagsitagisan ang bagang kung sigaw! Damn! Ang hirap maging babae bat ba kasi may buwanang dalaw peste! Mabilis uminit ang ulo ko kaya ayokong may humaharang at sumusuway saakin dahil hindi ko magagawang mag  timpi! Ano mang oras masasaktan ko sila kapag ipinagpatuloy nila ang katigasan ng kokote nila.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now