CHAPTER 120 (●`・(エ)・'●)

94 4 0
                                    

Nang makauwi ako saktong may tumawag saakin napatingin ako ng makita kong si daddy ang tumatawag. I know.. Alam na alam ko kung bakit ito tumawag. Sinagot ko nalamang ito.

(Siberia! Anak! Y-yung kapatid mo!)

"What happened?" Malumanay kong sagot at pinipigilang magsitagisan ang mga bagang ko.

(Nasa hospital! Napag tripan daw yata! Hindi ko na alam! Anak pwede bang pumunta kana muna dito?)

Nakuyom ko bigla ang kamao ko, napupuno ng galit ang puso ko. Hindi ko alam kong bakit humantong kami sa ganito.

"Nasa palasyo ako." Pagsisinungaling ko, hindi ko nais na makita siya.

(Pano? Nasa espanya ka? Kailan pa?)

Tanong Niya, bumuntong hininga ako. Hinding-hindi nila magugustuhan kapag nagpunta ako sa hospital. Kagaya nga ng sinabi ko sakanya na mapapatay ko siya kapag muling nagtagpo ang landas naming dalawa.

"Kahapon I'll call you back, update me dad." Yun lang at tumulala ako.

Shane...

Tumulo ang luha ko dahil sa galit, paano niya nagawang traydorin kami? Pano? Ano ang dahilan niya bakit siya nagkaganoon? All I know is we're okay. Hindi kami nag away, nagkatampuhan at nagkasagutan pero bakit biglang...

"Fuck!!" Sigaw ko sa sobrang galit! Kapatid ko siya pero... Sa missiong ito isa lang ang dapat na magwagi, ako o yung kalaban.

Pero hindi ako hayop para hindi makaramdam, hindi din naman ako robot na walang nararamdaman. Tao ako! Tao akong maydamdamin at nasasaktan! Sariling kapakanan lang nila ang tanging iniisip nila.

Si jhela? Isa din ba siya? Parang hindi ko kakayanin kapag maging ang bunso kong kapatid ay maging ganoon. Kailangan kong mahanap ang Dracula siya ang nararapat na pagbayarin ko sa lahat ng ito! Madumi siya maglaro, pati kapatid ko isinama niya dito. Napaka hayop niya, hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Kapag nagkataong magkaharap kami at mawala ako sa suhesyo.. Mapapatay ko siyang talaga. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Liam.

(Babe! Wait! Sinagot ko na yung tawag ni Siberia! Oh! Kausapin mo!)

Rinig kong sigaw ni rose. Nasa kanila pala yung gago, kaya pala tahimik ang bahay na ito.

(Siberia?)

"Get her, dalhin mo sa piitan ng palasyo." Malamig kong usal, ilang segundo siyang walang imik kaya inakala kong wala na siya sa kabilang linya kaya tiningnan ko ngunit naroon pa naman ito.

(Who?)

Nagtataka niyang tanong.

"Shane." Maikli kong sagot, kasing ikli ng pasensya ko kay Shane, hindi ko gustong makita ang pag mumukha niya, saka na siguro kapag nakaharap ko na si Dracula.

(Kapatid mo?)

Tumango ako pero napatampal ako sa noo ko ng marealize na hindi ko pala kaharap si Liam kaya natural na hindi niya ako nakita.

"Oo" yan nalamang ang isinagot ko dahil wala aking ganang makipag usap ngayong galit ako baka madamay siya.

(Sa piitan?)

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now