CHAPTER 109 (/-(エ)-\)

116 5 0
                                    

Venjoe POV

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o makunsinsya dahil alam ko namang mahal pa din ako ni Siberia ngunit pakiramdaman ko ay dapat akong makunsensya dahil naaawa ako para kay Vince na umaasa, ngunit may possible kayang sakanya mabaling ang pagmamahal ni Siberia? But the question is hahayaan ko ba iyong mangyari?

I do really love Siberia, and I don't want to let her go, dahil kapag pinakawalan ko siya ay parang nawalan lahat ng saysay, alam kong hindi ordinaryong babae si Siberia, inamin na niya iyan at napatunayan na niya iyan 4years ago.

At tunay ngang kakaibang babae si Siberia. At alam kong kahit na sinong lalaking mapalapit sakanya ay mahuhulog, si Siberia ang tipo ng babaeng hindi sweet sa salita pero pinaparamdaman nya sa taong mahalaga sakanya kung gaano ito kaimportante sakanya.

Bigla akong napatayo ng maalala kong may gusto akong sabihin kay Siberia. I need to talk to her bago kami umuwi ngayon, napapansin kong maghahapon na pala kaya nararapat lang na ngayon ko na sabihin sakanya ang gusto kong sabihin.

"Siberia.." Mahina kong usal ng makita ko siyang nakasandal sa pintuan habang sila sheila at rose ay nakasandal sa magkabilaang pader kasama yung isang babaeng hindi ko kilala. Mukhang may pinag-uusapan yata sila.

"Hmm?"

"Can I talk to you?" Kumunot ang noo niya habang nakatingin saakin.

"You're already talking to me." Walang emosyon ngunit halatang sarkastiko ang kanyang pagkakasabi sakanya kaya napanguso ako. Hindi ko na maalala kung kailan ko siya nakausap ng matino. Kahit na sa chat pilosopo siya.

"In private." Tipid kong sabi.

"May nakikita ka pa bang ibang tao bukod saating dalawa?" Sarkastiko niyang sabi ulit.

"Hindi ba tao sila sheila at rose--- what the hell! Nasan na sila?" Nagtataka kong sabi at lumingon sa likuran ganun nalang kabilis na sumama ang tingin ko sa tatlo na binelatan pa ako at nag peace sign. Damn! Bakit hindi ko napansing nawala na sila sa harapan ko?

"Because your too focus on me, that's why you didn't notice that they're gone." Napailing-iling ako sa sinabi niya, hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang palapulsuhan niya at hinila palapit sakin para nabuksan ko ang pintuan. Ng mabuksan ko ito ay hinila ko siya palabas, hindi siya nag reklamo bagkos ay nagpatianod siya sa paghila ko.

"I miss you." Sabi ko at mabilis siyang niyakap. Natauhan ako ng maramdaman kong namasa ang mata ko at biglang tumulo ang aking luha.

"S-sibe...ria" mabilis akong napahiwalay sa pagkakayakap kay Siberia at sabay kaming napalingon sa lalaking nagsalita.

"Vince.." Malamig na sabi ni Siberia at ipinagbaling-baling saaming dalawa ni Vince ang paningin bago iling-iling na naglakad papalayo.

Nagsukatan kami ng tingin ni Vince ng mawala si Siberia at ni isa saamin ay walang balak na magsalita, pero hindi ako nakatiis kaya ako mismo ang bumasag sa katahimikang namuo sa pagitan naming dalawa.

"You ruined our moment." Tiim bagang kung sabi, nag angat siya ng tingin mula sa pagkakayuko.

Nagsukatan ulit kami ng tingin, and he gritted his teeth before he talk. "Akala ko ba may usapan tayo na bibigyan natin ng space si Siberia, pagkatapos nating sabihing mangliligaw tayo." Masama ang tingin niyang sabi saakin. Tumalim ang mata ko at pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil alam kong ano mang oras ay sasabog na ang galit ko.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu