Prologue

960 29 0
                                    

Prologue

"Loralaine, on set ka na."

Inangat ni Loralaine ang ulo bago tumango kay Sef. Ni-lock nya ang cellphone nya at tinago na sa suot na maong pants.

She fixed her top and her hair. Pagkatapos ay huminga ng malalim. Lumabas na sya sa back stage ng resto bar at umakyat sa make shift na stage sa gitna ng Isla. Madaming tao, tulad nang mga nakaraang gabi kaya pakiramdam ni Loralaine gaganahan syang kumanta ngayon.

"L in the house baby!" Bati ni Ox sa kanya.

Pabirong hinawi ni Loralaine ang buhok nya bago naupo sa pwesto nya.

Ito ang buhay nya sa Isla. Rumaraket sa banda tuwing gabi at nagmamanage ng simple at medyo luma nang Home Inn para sa mga turista ng Isla. Pamana pa ng mga magulang niya iyon kaya naman ayaw nyang bitawan kahit may kalumaan na.

"Hello po sa inyong lahat." Kumaway pa sya. "Gusto ko lang po nagpasalamat agad sa mga nandito po ngayon. Nawa'y maging masarap ang tulog nyo matapos nyong marinig ang mga awitin ko."

Pumalakpak si Ox kaya sumunod na din ang iba. Kinindatan nya ang kaibigan bago bumuntong hininga.

"Ready? Let's go."

The song started humming. Pumikit si Loralaine at hinawakan ang mic stand.

"Bakot ba naman kasi, hindi tayo pwede. Pero bagay naman tayo. Mali nga lang ang tiyempo."

She open her eyes and smiled at the crowed.

"Galit ata ang tadhana sa akin, masasanay nalang ba ako sa pagtingin. Di na nga nadadaan sa dalangin, ayoko na rin pilitin... pero.."

Madami dami din ang nag abot ng papel sa kanila para sa mga request song ngayong gabi. Malaki ang tip na binibigay kapag maganda ang pagkakatugtug ng requested song.

"Napaka-husay talaga nitong si L!"

"Huwag nyo kong puriin masyado. Lalaki ang ulo ko."

"Namana mo talaga ang galing ng tatay mo."

Ngumiti nalang sya sa mga kasama at kinuha ang parte nya ngayong gabi.

"Aalis ka na agad?"

"Marami pa akong gagawin. Bawi nalang." Mabilis syang lumayo sa mga kaibigan bago tinakbo ang buhanginan papunta sa Home Inn nila.

"Lora!" Narinig nya si Ava. "Oh salo!"

Mabuti at naging handa sya sa pagsalo niyon.

"San ka galing?"

"Sa birthdayan!" Sumunod ay si Nell.

"Kayo talaga. Asan si Ate Maya?"

"Nasa loob." Sagot ni Gabby.

"Oh lapag na ang mga nalikom." Palakpak ni Ava at pangalawa sa kanilang magkakapatid.

Isa isa nilang binilang ang mga nakuhang pera sa mga raket nila ngayong gabi."

"At bakit ginabi na naman kayo?" Narinig nila si Maya--ang panganay sa kanilang magkakapatid.

"Rumaket lang, para may pambayad tayo sa kuryente."

"Ako na sabi ang bahala. Di nyo ba ako narinig?" Mataray nitong sabi. "Madaming lilinisin ngayon na kwarto, bilisan nyo kilos jan."

Sabay sabay silang tumango kay Maya. Napailing ang panganay bago pumasok sa loob. Sya ang pinagtulakan ng mga kapatid na maglapag ng pera sa harapan ni Maya.

Nginitian nya ang ate.

"Sa susunod, ako na ang bahala sa gastusin."

"Ate, humingi ka naman ng tulong sa amin minsan." Ani Nell. Ito ang pinakang bunso sa kanilang lima.

"Kaya nga. Hindi naman kawalan ng pride kasi magkakapatid tayo." Si Gabby.

"At tyaka sa atin iniwan ang Home Inn na ito." Singit ni Ava.

"Nag aaral pa kayo." Buntong hininga ni Maya.

"Kaya naman, ate." Nag-thumbs up sya sa ate nya. "Diba girls?"

"Yes Ma'am!"

Sa huli, natawa nalang ang Ate Maya nila sa kanilang apat. Pagakatapos ay inutusan na sila saga kanilang dapat gawin ngayon.

May iilan pa din namang mga turista ang rumerenta sa Home Inn dahil bukod sa medyo mura na presyo, komportable din naman doon.

"Ako na dito, doon na kayo." Utos ni Ava. "Ikaw, Nell. Mag aral ka jan. Ikaw ang mag aangat sa atin dito."

"Ito na nga eh." Ngumuso si Nell.

Binitbit na ni Loralaine ang mga kailangan nyang panlinis at pinuntahan ang nakatoka na kwarto sa kanya. Pagbukas palang amoy suka na agad ang naamoy nya.

Pero sanay na sya aa ganito. Kung miminsan nga, mga condoms at kung ano ano pa ang nakikita nya doon. Binabalewala nalang nya iyon at nililinis.

"Excuse me?"

Umayos sya ng tayo at hinarap ang babaeng kumatok sa pinto. Nakita nya ang isang babaeng matangos ang ilong.

"Yes po?"

"Ah, may nakita ka bang ganitong angklet?"

"Wala pa, Ma'am. Pero kapag may nakita alo, itatawag ko po agad sainyo."

"Okay, thank you. Here's my number."

"Alright Ma'am..." binasa nya ang nasa business card. "Ma'am Gailor. Sainyo po ba ang angklet?"

"Sa kaibigan ko. Let me know kung may nakita ka ha. Babayaran ko nalang ang magagastos mo."

Tumango sya sa babae. Nagpaalam naman na ito kaya pinagpatuloy nya ang paglilinis.

Bandang gabi nang magpaalam sya sa mga kapatid na pupunta uli sa raket nya. Isang dress na puti lang ang suot nya. Nilakad niya lang ang pagitan ng resto bar sa Home Inn nila.

She was humming some songs while walking. Pinagmamasdan nya ang bawat buhangin na nadadaanan nya. She even bang her head and laugh at herself.

Pagbaling nya sa gilid, natigilan sya ng may nakita syang nakahiga na isang lalaking halos tangayin na ng alon. Sunod sunod na kurap ang ginawa nya bago nagdesisyong lumapit doon.

"Jusko." Aniya sa sarili. "Mister! Hoy!"

Niyugyug nya ang balikat niyon pero walang syang nakuhang sagot. Pinulsuhan nya at napabuntong hininga sya ng marinig pa naman ang pulso.

"Mister?"

Naamoy nya ang alak sa hininga nito. Napanguso sya nang matantong nagpanic sya sa wala. Akala nya kasi patay na ang lalaki pero lasing lang pala.

"Kuya Sean?!"

"Hoy tumayo ka na jan. Ang alat alat ng dagat." Kulbit nya uli sa lalaki pero humilik lang.

"Kuya Sean! Hala!"

Mabilis syang napatayo sa pagkakaupo nang may babaeng dumalo sa lalaki.

"Anong ginawa mo sa kuya ko?"

"Hala, bakit ako? Nakita ko nga lang yan jan akala ko patay na."

"I'm sorry."

"Okay lang. Lasing na lasing ata iyang... Kuya mo ba iyan?"

"Yes. I'm sorry again."

Winasiwas nya ang kamay sa harapan ng babae at tinuro na ang daan na tatahakin nya.

"Kaya mo na ba iyan?"

"I can manage. Thank you."

Sumipol sya at tumango bago umalis doon. Dire diretso na ang lakad nya papuntang resto bar ngayon.

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now