Chapter Five

369 17 3
                                    

Chapter Five

Ngumiwi si L nang makaupo sila sa loob ng restaurant. Ano ba naman itong kahihiyan na lagi nyang ginagawa.

"May iba ka pang gusto, Loralaine?" Carmela asked her.

Umiling sya dito.

"Iyon nalang po. Thank you." Ani Carmela sa waiter.

Hindi nya matignan si Sean ngayon na paniguradong nakangisi na dahil napagkamalan nyang fiancé nito ang kapatid. A phone rang, ngumiti si Carmela sa kanilang dalawa.

"Si Echo, sagutin ko lang."

Tumayo ito at lumayo sa kanila. Sunod sunod syang napakurap nang maiwan sila ni Sean sa table. Napabaling sya dito at naabutang may ngisi sa labi.

"Do you really believe that we're a thing, huh?"

"Akala ko lan--"

"I'm quite offended, L. Really?"

"Nakita ko nga kayong sweet."

He leaned forward. "Hindi ba pwedeng maging sweet ang magkapatid?" Tumaas pa ang kilay nito.

"Okay, fine. I'm sorry."

Napailing iling ito sa harapan nya.

"Magkaiba kasi kayo ng apelyido  couldn't blame me."

"Then, you're jealous?"

"Asa pati."

"Woah," sumandal ito at pinasadahan sya ng tingin. "If you're sorry, then have a drink with me."

"A-ano?"

Hindi na nakasagot si Sean dahil nakabalik na si Carmela sa table. Umismid si L at sumimsim sa baso ng tubig. Hindi nya nga malunok ng maayos ang ayos ang pagkain.

"Thank you sa dinner, Carmela." Aniya.

"Kuya paid for it but no worries."

Tumango sya sa magkapatid bago tumalikod. She even slightly hit her head for her stupidity.

Next day, abala sya sa pagduty. She's praying hard na sana hindi nya makita si Sean dahil hindi nya alam kung pano ito haharapin.

Yumuko sya at dinampot ang inaanod ng tubig dagat. It was a pack of drugs again.

"Mac?" Pinakita nya kay Mac iyong hawak nya.

"Meron din akong nakita."

"Pakitabi, sunugin ko mamaya."

Sinalo ni Mac iyon, pinasadahan nya ng tingin ang paligid. This Island is too precious, hindi dapat basta basta pinapakalat ang drugs dito. Sa ginawa nyang pagpasada ng tingin, halos mapasinghap sya nang magtama ang mata nila ni Sean.

Mabilis syang pumihit patalikod at bumalik sa head quarters nila.

"Si L nalang." Agad na sabi ni Pichie nang makapasok sya sa loob.

"Ano meron?"

Hinarap sya ni Lim na mukhang iritado.

"May lq ba kayo?"

"What? Wala."

"Bote mamaya? Treat ko." Ani Lim. "If L agree to it, sasama ka."

"Oh please, Lim."

"Okay." Sabi agad ni L. Natatawa kasi sya sa dalawa. "Sama natin si Mac."

"Wala ka bang gig?"

"Meron, pero mabilis lang iyon."

"Alright." Ani Lim bago hinawakan ang radyo at niradyo si Mac sa ibaba.

Pinanlakihan ako ng mata ni Pichie. Obvious naman na gusto sya ni Lim, masyadong pabebe.

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now