Chapter Twenty Nine

387 22 20
                                    

Chapter Twenty Nine

"Uhm, excuse me?"

Mula sa pagkakatitig ni Loralaine sa screen ng computer ay inangat nya iyon nang marinig si Carmela. Napatayo tuloy sya.

"Miss Carmela..."

"Coffee?"

"Salamat po."

Tumango si Carmela at umalis na pero bumalik pa din ito.

"Is it true that you had a son with Kuya Sean?" Napatakip sya sa bibig nya. "Sorry ha. Curious ako."

"Ahm, opo."

"Alam mo na din ba iyong tungkol kay Sherrinah? Uhm. Well, hindi namin inexpect iyon."

"Okay lang po."

"Carmela, in my office." Silip ni Sean sa kanilang dalawa.

Tumalima naman agad si Carmela sa utos ng kapatid. Nahagip pa ni L na nakasuot ito ng reading glass. She sighed and seated again, hinila nya ang drawer at kinuha ang resignation letter.

Pagkatapos noong usapan nila ni Sean, nagdesisyon syang tapusin nalang talaga ang six months contract nya dito at babalik nalang sa Isla Verde, nakapag ipon naman sya kahit papaano. Ang selfish ng iniisip nya pero...

Lumabas na uli si Carmela sa office ni Sean. Mabilis syang lumapit dito.

"Hm?"

"Patapos na po iyong contract ko diba po?"

Bumaba ang tingin ni Carmela sa hawak nya.

"Sorry ha, pero si Kuya Sean iyong kailangan mong kausapin tungkol jan." Alangan na sabi pa ni Carmela. "You see, sya naman kasi talaga ang boss dito."

"Sige. Salamat."

Tinapik pa ni Carmela ang balikat nya.

"Ay! Pwede ko bang makita yung picture ni Silver?" Excited nya pang sabi. "Sinabi na ni Kuya ang pangalan."

Tumango si L at kinuha ang cellphone nya para ipakita ang album doon sa gallery ng mga picture ni Silver.

"Kamukha talaga ni Kuya Sean." Sabi pa ni Carmela nang may nakitang picture ni Sean at Silver. "Xerox copy."

Ngumiti ng tipid si Loralaine.

"Excuse me lang ha."

Muli na namang tumango si L at bumalik na sa pwesto nya. Kalaunan ay lumabas si Sean sa opisina nito na inaayos ang neck tie.

"S-sir Sean.."

Huminto ito at tinaasan sya ng kilay.

"I'm in a hurry. What is it?"

Tahimik nalang na inabot ni L ang resignation letter. Tinapunan ng tingin ni Sean iyon.

"Contract ka dito diba? You don't need to gave me that."

Parang hangin lang na nilampasan sya ni Sean, napakuyom ng kamay si Loralaine. Umirap pa sya, after all sya naman ang nagsabi na huwag na silang magpansinan ni Sean at ang concern lang ay ang anak nila.

Maaga nag out si Carmela dahil sinundo ng asawa nito. She was left there but later on decided to leave also. Sinave nya lahat ng pwedeng isave sa computer bago pinatay iyon. The next following days, hindi na nya nakita si Sean or kahit nakasalubong man lang. Silver always asked for Sean, sinasabi nalang nya na busy.

Saktong pag angat nya ng tingin nya, nasalubong nya si Sean na kakalabas lang ng elevator. He looked like he didn't get enough of sleep. Nilampasan sya nito bago nya naalala na may parcel itong dumating. Binitnit nya iyon at kumatok sa pinto.

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now