Chapter Nineteen

288 16 5
                                    

Chapter Nineteen

Loralaine gasped and turned her back. Ang bilis nyang sumakay ng elevator at pumikit. Pinaypayan nya pa ang sarili nya.

"So ibig bang sabihin?" Aniya sa sarili.

Tumingin sya sa repleksyon nya sa pinto ng elevator at bumuntong hininga. Halos mapasigaw pa sya ng tumunog ng malakas ang cellphone nya. She looked at it and saw Sean's name on the screen. Tumikhim sya at sinagot ang tawag.

"Hm?"

[I just got a call from the receptionist. You're at manila?]

"Ha? Ah, oo. Dumaan ako jan sa opisina mo."

[And? Where are you now?]

Tumunog na ang elevator hugdyat na nasa ground floor na sya, hinintay nyang bumukas iyon. But as soon as the elevator floor door opened, tumaas ang kilay ni Sean nang magtama ang mata nilang dalawa. Napasinok si L at kumurap, hilaw pa syang napangiti. Binaba ni Sean ang phone at pumasok sa elevator.

He pushed the button and the door closed again.

"You didn't inform me about this?" Mariing sabi ni Sean sa kanya. "Galing ka na sa itaas?"

"Hindi.." mahina nyang sabi. "May naalala lang akong gagawin kaya hindi na ako tumuloy.." mabagal nyang sabi.

Yumuko ng bahagya si Sean at tumingin sa mata nya, marahas syang napalunok at ngumiti.

"And?"

"Hindi ko alam na maaabutan mo ko."

Tinapik pa ni L ang dibdib ni Sean at tumawa.

"Let's have a lunch, anong oras ka dumating dito?"

"Uhm... kanina?" she was unsure with her answer kasi nakatitig si Sean.

The elevator door open again, hinawakan ni Sean ang kamay nya at hinila sa opisina nya. Huminto sya kaya bumaling sa kanya si Sean na nakataas ang kilay.

"Baka may bisita ka o ano?"

"Wala. Let's have lunch here."

They entered the office, umupo sya sa couch doon habang nilapitan naman ni Sean ang lamesa nito. She wondered around and check the whole interior of this office.

"Carl, order for our lunch." ani Sean sa telepono na naka-connect sa secretary nya. "Anything you like?"

"Ha, tinola?"

"Tinola. And the usual."

Sumandal si Loralaine at tumingin kay Sean, may tinitipa ito sa computer nya. Bigla nya lang naisip iyong narinig nya kanina. Para saan ang dna test? Siguro matagal na syang nakatitig kay Sean kaya nang pag angat nito ay huling huli sya. Mabilis na iniwas ni L ang tingin nya at kinuha ang cellphone sa bag nya.

Tumayo si Sean at umupo sa tabi nya, patay malisya naman sya. Kinuha lang nito ang cellphone nya.

"May gusto kang sabihin?"

Umiling sya agad at inabot ang cellphone nya, nilapag ni Sean iyon sa coffee table at hinagilap ang kamay nya.

"May gig ka dito?"

"Oo, kasama ko sina Ox. Bukas ng gabi." binasa nya ang nanunuyong labi. "Ano.."

"Am I invited?"

"Hindi ko sure. Si Gi kasi ang... pwede ka naman siguro pumunta."

Sean nodded. "Alright, after my meeting then."

Tumango si Loralaine at umayos ng upo. May kumatok sa pinto bago bumukas, pumasok sa loob si Carl na may bibit na paper bags. Bahagya pa itong tumango sa kanila, binawi ni L ang kamay nyang hawak ni Sean.

Island Series: Loralaine IballoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon