Chapter Twenty Three

343 23 6
                                    

Chapter Twenty Three

Nakailang kagat si L sa kuko nya habang nag iisip noong gabing iyon. Iniisip nya kung paano sasabihin sa mga kapatid nya ang kalagayan nya, at isa pa hindi sya pwedeng mamalagi dito dahil labas pasok pa din naman si Sean ng Isla Verde.

Ayaw nyang ipaalam kay Sean ang tungkol sa pinagbubuntis nya dahil walang karapatan si Sean dito, kanya lang ang batang ito.

Madaling aral na pero nakatitig pa din sya sa kalawakan ng karagatan. Niyakap nya ang sarili kapagkuwan at muli na namang nabuntong hininga. Natatawa sya ng mapakla at humawak sa tiyan nya.

"It's a blessing right?" bulong nya sa sarili. "Blessing to..."

Humikab sya at nagpasyang bumalik na sa house inn pero nakaramdam sya ng hilo. Pumikit sya at naghagilap ng mahahawakan pero napamulat sya nang may humawak sa kamay nya. When she look up, she gasped when she came face to face with Allen. Nakakunot ang noo nya at binawi ang kamay dito.

"You look pale."

"O-okay lang ako." nilampasan na nya ito at dire diretso lang ang lakad kahit na nahihilo hilo pa sya.

Huminto lang sya pero nabahala na baka nakatingin pa si Allen kaya binilisan nya ang lakad. Bukas ng umaga babalik ang Ate Maya nya sa maynila, plano nalang nya sanang sumabay dito at pagkatapos ay magtatago hanggang sa lumabas ang anak nya.

"Miss Iballo.."

"Sana maisip mo ang konsensya, Sir Allen."

Dire diretso lang si L papasok sa loob ng House inn nila. Uminom sya ng tubig sa kusina bago nagulat nang makita nyang nakatayo si Ate Ava nya sa gilid lang at kumakain ng pancit canton.

"Ate!"

"Uhaw na uhaw teh? Bakit ang putla mo? At madaling araw ah."

Pinunasan nya ang bibig. "Nagpahangin lang ako."

"Bakit?"

"Hindi kasi ko makatulog."

Bahagyang nanliit ang mata ni Ava sa kanya, pasimple syang humikab uli.

"Wag mo na masyadong isipin si Sean. Nagjowa ka kasi ng gwapo."

"Kaya nga nagsisisi."

"Sure ka ba?"

"Ate Ava, ayoko na pagusapan yan."

"Okay, kalma..."

"Matutulog na ako, Ate."

Iniwan na nya si Ate Ava nya doon at pumasok na sa kwarto nya. Humiga sya agad at pumikit. Kung kanina, inaantok na sya dahil tahimik sa may dagat, ngayon naman kung saan saan na naman napupunta ang mga iniisip nya.

Hindi na din sya nakatulog kaya bumangon na sya at naligo na. Inayos nya ang mga dadalhin nya gamit dahil sasama na nga sya sa Ate Maya nya pa-balik ng manila at pagkatapos ay aalis sya papuntang baguio. Pagkatapos nyang maligo, dumiretso sya sa headquarters. Maaga si Pichie ngayon, kumaway ito agad sa kanya. Pero nangunot ang noo ng makitang bihis na bihis sya.

"Hindi ka duduty?"

"Aalis na ako."

"Biglaan?"

Loralaine nodded. "Sinabihan ko na si Nell na mag apply ng life guard dito."

Pichie pouted. "Bakit naman biglaan? May kinalaman ba ito kay Papa Sean?"

"Hay naku, sige na. Dadaan pa ako sa opisina ng mga Ong para magpaalam."

Nagdadasal sya na sana si Aliana or si Agatha ang tao sa opisina para mas madali nyang masabi na aalis na sya bilang life guard dito sa Isla Verde. Kumatok sya ng tatlong beses bago pinihit ang seradura. She saw Aliana and Agatha inside.

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now