Chapter Nine

317 18 5
                                    

Chapter Nine

Mabilis na kinuha ni L ang telepono nang tumunog iyon. She even chuckled and cleared her throat.

"Good Evening po!"

[Good evening, is this the house inn of the Iballo sisters?]

"Yes po. What can I do for you?"

[Can I make kausap kay Lora?]

Napangiwi si L nang marinig ang conyong boses na iyon.

[Hello? Excuse me?]

"Speaking po."

[Oh my god! Good thing you sagot the tawag. I was wondering kasi if you are payag na ano... Like ba tumanggap ng raket? I have alam kasi.]

"Eh may trabaho po kasi ako dito, Miss River."

[Please. Sayang kasi opportunity.]

Sumandal sya sa table, kinunutan sya ng noo ng Ate Gabby nya.

"Saan po ba?"

[Birthday? Are you payag ba? The talent fee were malaki.]

"Saan po banda?"

[Around BGC. Please, Lora. This is sayang kasi. Ikaw naisip ko for this raket.]

"Okay po, pag iisipan ko."

[Great! My condo is open for a roommate naman.]

Nagpaalam na din agad si River nang tawagin sa kabilang linya. Binaba na nya ang telepono at hinarap si Ate Gabby nyang nakatitig sa kanya.

"Sino iyon?"

"Si River Torres. May raket daw sya sa akin."

"Sa manila?"

Tumango sya at ngumuso.

"Go ka na."

"Okay lang ate?"

"Oo naman. Sabi ko kasi sayo, karerin mo na iyan."

---

Pumalakpak ang mga tao sa pagtatapos ng pagkanta ni L. Nagpasalamat sya sa mga iyon.

"Lodi ko talaga ito."

Niyakap sya ni Gigi sa baywang.

"Inspirado ba ang aming vocalist?"

"Hindi no."

Nahagip nya kasi si Sean sa di kalayuan kanina. Di naman nya inexpect na nandito na uli ito sa Isla Verde. Ibig sabihin, kapag nagkita sila, mag uusap sila.

"Hindi ko na nakikita yung pogi." Sabi bigla ni Gigi.

"Sino Gi? Andito kami." Singit ni Sef na tinuro din si Ox.

Umismid ito. "Si Sean kasi. Huwag kayong ano."

"Baka umalis na?" Ani L.

"Sayang, hindi ko pa sya naaaya mag date."

Nagpaalam na si L sa kanila bago naglakad na pabalik sa House Inn nila.

"Miss, excuse me."

Huminto sya paglalakad at binalingan iyong tumawag sa kanya.

"Po?"

"Kilala mo si Sean Linatoc?"

Kumurap sya. "Opo. Pero bakit po?"

May sinenyasan ito sa likod nya, bago pa sya makapag react may humawak na sa magkabilang braso nya.

"Teka!! Tulong!"

Island Series: Loralaine IballoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt