Chapter Three

392 18 5
                                    

Chapter Three

"L."

Inangat ni Loralaine ang tingin nya kay Pichie. May binato ito sa kanyang sachet na may lamang drugs.

"You were right. May kumakalat na drugs." Umupo ito sa tabi nya. "May idea ka ba kung sino?"

"Malamang alam ni Agatha. Hinahayaan nya."

"Sure ka? Mahirap mambintang."

Kinuyom nalang nya ang kamao nya at tinabi sa box ang sachet ng drugs. She's been collecting those, para may puweba sya incase na magkahulihan na.

Mabilis lumipas ang oras, pagkatapos ng duty nila ni Pichie. Nagpaalam na sya dito pati kina Lim. Mga panibagong lifeguard naman ang pumalit para sa night shift. Tinahak na nya ang daan papuntang house inn nila.

"Nandito na ako."

Suminghap si Gabby nang marinig sya at tinago ang binabasang papel.

"Ate Gabby."

"L, nandito ka na."

"Kakasabi ko lang."

Ngumiti sya at tinuro ang kitchen.

"Kumain ka na. Uhh may gig ka ba ngayon?"

Tumango sya at nanliit pa ang mata kay Gabby. Kumibit din sya kapagkuwan ay pumasok na sa kusina.

Right after she ate, naligo sya at nag ayos na para sa gig ngayong gabi. She wore a black top and a jeans. Nagpaalam sya sa mga kapatid at pumunta na sa pwesto nila.

Nadaanan nya pa nga si Sean sa may tabing dagat, may katabing babae at mukhang close na close pa. Right, he looked like a chick magnet. What's new?

Imbes na abalahin pa ang sarili doon, nagpatuloy nalang sya paglalakad. Ox was the one who saw her.

"Hi."

"You good?" Ox asked her.

Tumango sya at umupo na sa pwesto nya. Ipinuyod nya pa ang buhok at binasa ang mga request songs ngayon.

Nagulat pa sya ng idikit ni Ox ang malamig na beer sa braso nya. Sinamaan nya ito ng tingin.

"Seryoso mo. May problema ba?"

"Wala."

The gig started, inenjoy nalang ni L ang pagkanta nya ngayong gabi. Madaming turista at natutuwa sya dahil ang lively ng mga tao. Tinaas nya ang kamay at pumalakpak bago mas nilaksan ang kanta nya.

--

"Ate, tanggapin mo na iyong trabaho." Ani Nell nang nasa hapag sila kinaumagahan.

"Nakapagsend na ako ng email. Si Nell ang kukunin kong una para sa scholarship nya doon."

"Yiee. Congrats Ate Maya!"

Finally, her Ate Maya decided to accept the work. Kaibigan naman nito iyong may ari ng salon tyaka kayang kaya na nila dito sa House Inn.

She zipped her body suit and bid her goodbye to her siblings. Lumabas sya sa House Inn nila at lunakad na sa buhanginan. Si Lim palang ang nasa head quarters nila nang makarating sya doon.

"Ang aga mo ngayon."

"May binilin lang si Agatha." Sagot nito sabay sulyap sa karagatan.

"Wala pa si Pichie?"

"Malelate daw sya."

Tumango sya at nilagay na ang bag nya sa ibaba. Kakaupo nya palang ng mapatayo si Lim.

"L, tangina! May nalulunod dun!"

Halos nagpaunahan sila ni L na sumulong doong sa parte ng dagat. She dove and almost stopped when she saw Sean. Mabilis syang umahon.

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now