Chapter Four

350 20 5
                                    

Chapter Four

Sumulyap si Loralaine kay Sean na hinihimas ang panga kapagkuwan ay ngumuso sya.

"Kaya pala pinapirma mo ko, hayop ka." Anito kay Allen.

Si Allen iyong kapatid ni Agatha. Isa sa may ari ng resort.

"What's the notice for?" Singit nung Aliana.

"I'm planning to buy the House Inn,"

"Ano?" Mabilis syang napatayo. "Hindi eh. Kaya namin tubusin iyon."

"Bibilhin ko para ibigay sainyo." Supladong sabi nito. "But then, Ava don't want to. Sabi nya, kaya nyo ngang tubisin."

"Kasi Sir Allen, sobra naman po kung ibibigay nyo."

"Hindi ko talaga alam kung bakit nasali ako." Singit ni Sean.

Ngumiwi sya hindi alam kung paano magsosorry dito. Kalaunan ay nagpaalam na ito. Naiwan sya na katabi ni Ate Gabby nya, pinapaliwanag ni Allen ang tungkol sa notice na nakita nya.

Hanggang sa matapos iyong usapan, nakakaramdam pa din sya ng hiya kasi sinapak nya si Sean. Alam nyang nagpadalos dalos sya doon, nakita nya kasi agad iyong pangalan nito doon sa papel.

Nang makalabas ng Craft Shop, kaagad na luminga ang mata nya sa paligid. She wanted to look for Sean, magsosorry lang sana sya dito kaso di nya alam kung paano sisimulan.

"L?"

Kumurap sya nang hilahin sya ni Ate Gabby nya.

"May kakausapin lang ako. Una na kayo ni Nell."

Hindi na nya hinintay na magsalita ang Ate nya, kaagad syang naglakad sa lugar kung saan madalas nyang nakikita si Sean. She was silently hoping. Pinapraktis na nya ang sasabihin nya kapag nandoon nga si Sean.

"I'm sorry, uhm kasi hindi ko alam na ano.." inis nyang sinabunutan ang sarili. "Bakit kasi padalos dalos ka, Loralaine?!"

Pinilig nya ang ulo nya at nakarating na sa lugar na iyon. Bumuntong hininga sya at sumilip sa malaking bato... She saw Sean but he's not alone. He's with a tall woman, nakangiti sya dito at marahan pang inayos ang buhok na hinihipan ng hangin. The woman was probably treating his wound.

Kumurap sya at umatras. Abala naman pala, ang hirap naman kung sisingit sya.

Imbes na puntahan si Sean para personal na humingi ng sorry sa ginawa, pumihit nalang sya paalis dito.

--
Tinanggap ni L ang bote ng beer na binigay ni Ox sa kanya.

"Lalim ng iniisip mo ata."

Uminom sya sa bote. "Wala naman."

Sa malayong parte ay nakikita nya si Sean na kausap iyong si Allen ngayon. Madaming tao ang nag aabang sa gig nila.

"Ready na?" Sef asked them.

Nilapag nya sa gilid ang bote at umupo na sa pwesto nya. Tinapik ni Sef ang balikat nya.

"Good Evening po. Thank you sa walang sawang panunuod sa amin."

Kumaway pa sya sa mga tao. The first song started for tonight..

After their gig, nagpasalamat sya uli sa mga tao. Malaki ang nakuha nilang tip ngayon.

"Wala kang kupas, L."

"Huwag nyo kong binibola ha."

Ipinuyod nya ang buhok at tinanggap na ang parte nya ngayon.

"Excuse me."

Nahinto si Ox nang may babaeng tumawag sa pansin nila. Iyong babaeng kausap ni Sean kanina iyon.

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now