Chapter Seventeen

305 20 1
                                    

Chapter Seventeen

Loralaine woke up the next day earlier than she expected. Pagkahatid sa kanya ni Sean kagabi, hindi na nya halos nagawa ang dapat nyang gagawin dahil nakatulog na din sya dala ng pagod.

Kakaangat nya palang mula sa kama nang may narinig syang kumatok. Humihikab na nilapitan nya iyon at sinilip sa may maliit na butas kung sino ang kumakatok. When she saw a bellboy, she fixed herself and opened the door.

"Good Morning po. Breakfast."

"Teka lang po, hindi po ako nagpadala--"

"It's on us po. Enjoy your breakfast and stay here, Ma'am."

Iniwan ng bellboy ang tray sa may lamesa bago marahang tumungo uli sa kanya at lumabas. Sinarado nya ang pinto at naghilamos muna. She heard her phone rang.

Tinikman na nya ang pagkain at naramdaman na kumulo ang tiyan nya dala ng gutom. Naupo sya at sinimulan na ang pagkain bago nya uli narinig na tumunog ang cellphone.

[Are you busy?]

"Hindi. Kumakain ako ng breakfast. Thank you dito."

[Kanino galing?]

"Sayo diba? I mean, hindi naman magbibigay ang hotel kundi mo siguro sinabi?"

[I was about to order a breakfast for you, L.]

Bumagsak ang tingin nya sa pagkain nang marinig iyon.

"So, hindi galing sayo ito?"

[No worries, probably Carmela ordered that for you.]

Sumubo sya ng kanin.

[Enjoy your food, I called just go check on you.]

"Uh, okay."

The call ended, ngumuso si Loralaine at pinagpatuloy ang pagkain. Baka nga galing kay Carmela ito. When she's done eating, niligpit nya iyon at naligo na.

Isang jeans at white shirt lang ang sinuot nya. Tanghali pa naman ang check out nya bukas sa Hotel kaya mamay nalang sya mag aayos ng mga gamit nya. For now, she'll enjoy her last day here in manila.

Sinilid nya ang susi sa bag at bumaba na. Hindi nya alam saan pupunta pero ang goal nya ay maligaw for today at mag enjoy. Sumakay sya sa ebus na dumaan, nakalagay yung signage ng mall of asia. Nakipagsabayan lang sya sa mga bumaba at nakita na nya sa harapan nya ang malaking globa na sikat na sikat daw.

Loralaine started to roamed around and look for something. Hindi nya dinala ang pera nya lahat dahil delikado nga daw dito sa manila. Exact amount lang ang dinala nya. Mabilis lang naman sya dito, gusto nya lang iexplore ang sarili nya sa sarili nya once.

"Ang saya siguro kung dito ako magtatrabaho no. Pero mamimiss ko ang isla life kung sakali."

She took a deep breathe and was about to leave the place when someone called her.

"Loralaine." It was Robi. "Good to see you here? Mag isa ka lang?"

"I was roaming around. Ikaw?"

"I took a break from my work." Nakangiti pa si Robi. "I know it's not uhm good to hear but do you wanna grab some coffee?"

Tinago ni L ang kamay nya sa likod bago nya kinuyom iyon.

"I have to go, Robi. Naghihintay na kasi si Sean."

"L," anito. "Are you really sure with Sean?"

"To be honest, I don't know. I got trust issue, thanks to you." Seryosong sabi ni L. "I gotta go,"

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now