Chapter Twenty Five

316 22 14
                                    

Chapter Twenty Five

"Asan na ba kasi yun?" Makailang ulit nang chineck ni Loralaine ang bag nya.

Hindi nya kasi makita yung polaroid photo ni Silver na dala nya lagi kapag hindi nya kasama ang anak nya.

"Nandito lang dapat iyon."

Kalaunan ay ngumuso nalang sya at inayos na uli ang laman ng bag nya. Paakyat na uli sya sa baguio dahil kailangan nyang icheck si Silver doon bago nya pag iisipan ang trabaho na inaalok ni Carmela sa kanya. Nakakahiyang tanggihan dahil kailangan nya at isa pa, gagraduate na si Nell kaya bago bumalik na sila sa Isla Verde.

"Ate Maya, baka naiwan ko jan iyong picture ni Silver." Matapos nyang sabihin iyon agad syang kinilabutan na baka naiwan nya sa sasakyan ni Sean iyon.

Hindi nya pwedeng maiwan iyon doon! Ano nalang ang sasabihin nya dito? Na iyong nasa picture ay anak nila pero tinago nya?

[Wala dito. Baka naman na-misplaced mo lang.]

Nagcheck out na sya sa Lausingco Hotels at handa nang bumalik sa Baguio ngayon.

Hindi nya tuloy alam ang gagawin nya kung sakaling naiwan nya nga sa sasakyan ni Sean ang polariod photo ni Silver. Kapag nagkataon kasi katapusan na nya. Mayamang tao si Sean, gagawin nya ang lahat makita lang ang anak nila ni L.

Iyon ang dala dala ni Loralaine habang bumibiyahe sya paakyat sa baguio. Kinakabahan sya bawat may nagtetext sa kanya pero si Nell lang iyon. May sinat si Silver kanina pero maayos na daw ngayon.

Pagbaba nya sa bus, tumunog ang cellphone nya sa isang text message. Sinilip nya kung sino iyon at halos mahulog ang cellphone nya nang makitang unregistered number iyon. Hindi nya sigurado pero may hint na sya kung sino iyon.

Unregistered number:
Are you still in Manila?

Iyon lang ang nakalagay sa message pero alam na alam na nya kung kanino galing ito. Nasapo nya ang noo bago ni-lock ang cellphone nya. Inayos nya ang sarili at pumara na ng jeep pauwi sa anak nya.

KAKATULOG lang ni Silver ngayon ngayon lang. Tinitigan nya uli iyong message ni Sean sa kanya, kung si Sean nga ito.

Loralaine:
Sino to?

Kinagat nya ang pang ibabang labi at sumulyap sa anak. Nagiisip ng pwede nyang idahilan sa mga pwedeng sabihin ni Sean.

Her phone lit up.

Unregistered Number:
This is Sean. Can we talk?

Kanina nang maghalungkat sya ng gamit nya, alam nyang nawala nga ang polariod photo ni Silver at siguro naiwan nya sa sasakyan nito. Pwede naman nyang sabihing anak ng Ate Maya nya iyon.

Ginulo nya ang buhok at hindi nalang nagreply kay Sean. Bahala na sya sa buhay nya.

Tinabi nalang nya ang cellphone at inayos ang mga labahin ni Silver. Habang sinasalang nya ang mga iyon sa washing machine, nakakagat nya ang pang ibabang labi sa posibilidad na baka nga nakuha ni Sean iyong polaroid photo ni Silver.

"Ano ba yan, paulit ulit ako." naiinis nyang sabi sa sarili nya.

Kalaunan ay sinampay na nya ang mga damit na nalabhan, nagulat nalang sya ng umiyak bigla si Silver. Ang bilis nyang iniwan ang ginagawa at pumunta sa anak nya. Pagkabuhat nya palang doon ay nadama na nyang mainit ito.

"Ate, narinig ko si Silver." pumasok si Nell.

"May sinat pa din sya. Ikuha mo ko ng bimpo at tubig sa maliit na palanggana."

Inalo alo nya ang anak at hinalikan sa pisngi. Umiiyak pa din ito, dinama nya din ang noo at leeg nito na mainit. Bumalik si Nell na may dala na noong inutos nya dito, marahan nyang pinunasan ang katawan ni Silver. Inaalo naman ni Nell ito.

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now