Chapter Fifteen

326 18 7
                                    

Chapter Fifteen

Huminto si L at sinilip si Sean na naglalakad sa tabi nya. Naka-pamulsa pa ito, kalaunan ay binuksan nya ang pinto.

"I won't do anything that's against you--"

"Wala akong sinasabi."

"Your eyes says so."

Gumilid sya para makapasok si Sean, tumunog ang cellphone nya kaya sinilip nya iyon. Si Ate Maya nya lang na tinatanong kung nakarating sya ng safe sa LH.

"L," paos na tawag ni Sean sa kanya. Nakaupo na ito sa sofa doon. "Tinatanong ni Carmela kung may kilala kang pwedeng magservice ng make up? Hindi na nya ma-contact iyong nakausap nya dati."

"Ha.. Ah, iyong ate ko. Nagtatrabaho sa salon."

"Can you ask for her?"

Pinakita nya ang cellphone dito. "Tawagan ko lang."

"Yes, thank you."

Tumalikod sya at tinawagan na ang ate Maya nya.

"Ate Maya, baka pwede daw po kayo na magservice for Carmela Crabajales' wedding?"

[Wala pa ba silang na-contact?]

"Meron na daw po, kaso parang nagback out."

Nawala saglit si Ate Maya sa linya, sinilip ni L ang ginagawa ni Sean sa sofa. May tinitipa ito sa cellphone.

[Hello, L? Payag si Benedict, bukas ba? Sige, tawagan mo ko ha. Maghahanda lang kami.]

"Talaga? Thank you ate!"

[Sige, raket din kasi. Salamat kamo kay Miss Carmela.]

"Okay ate."

Binaba na nya ang tawag at hinarap si Sean, nakabang na ito sa kanya kaya nagthumbs up sya.

"Okay na! Payag si Kuya Benedict!"

"Thank god." Anito. "Na-pepressure si Carmela. Sabi ko kasi wag na magpakasal."

"Grabe ka. Kaligayahan ng babae ang maikasal no." Naupo si L sa gilid at tinaas ang paa nya. "For sure happy ka naman sa kapatid mo."

"I'm beyond than that."

Nagkatitigan silang dalawa, Loralaine had to cleared her throat and looked away.

"Wala ka na bang trabaho?"

"The company can earn even when I'm not there." Humalukiphip pa si Sean. "Don't be uncomfortable, L.."

"I'm not."

Gumalaw si Sean at lumapit sa kanya. May patuyang ngisi ito sa labi kaya taas noo nyang tinignan si Sean sa mata. Loralaine suddenly felt something on her stomach but she shoo that away.

Suminok sya at tinapat ang cellphone sa pagitan nila ni Sean.

"Wanna order some food?"

Ngumisi si Sean at bahagyang kinagat ang labi. He moved to slowly towered her, napalunok na ng marahas si Loralaine.

"A-anong ginagawa mo?"

"You seem uncomfortable with my presence, L..." Mabagal na bulong ni Sean.

Sean's phone rang, nakahinga ng maluwag si Loralaine nang umalis sa ibaba nya si Sean. But she didn't expect his next move, hinapit sya nito sa baywang at sinalubong ang labi ng labi nito. She gasped and don't know what to do. Lumayo sya kay Sean at tinakpan ang labi nya.

"Damn.. L." He closed his eyes and open them.

Pinigilan naman ni L pero hinawakan nya ang collar ng suot ni Sean at inabot ang labi nito. Hindi nya alam ang gagawin, she never experienced kiss before. Iyong kay Robi, puro smack lang sila. Maybe that's the reason why Robi got bored and cheated.

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now