Chapter Six

336 20 5
                                    

Chapter Six

Sa Lausingco Hotels gaganapin ang engagement party. Sabay silang bumaba ni Sean sa wrangler, kinuha nya ang bag pack nya pero mabilis na inagaw nito iyon sa kanya.

"Ako na."

"Gentleman pala." Ngumuso pa sya.

Nilahad nito ang daan sa kanya kaya nauna syang lumakad. They entered the LH lobby, napangiti sya ng makita agad si Carmela doon na may katabing babae din.

"Hello po, Miss Carmela."

"Okay naman ikaw? Ah, here's your room key."

Tinanggap nya iyon at bahagyang tumungo pa.

"Hi. I'm a fan," natatawang singit ni Deedee, kaibigan ni Carmela sa kanya.

Uminit ang pisngi nya dahil sa sinabi nito. Kapagkuwan ay ngumisi ito sa lalaking nasa likod nito na kunwari ay abala sa pagpasada ng tingin sa mga tao.

"Sean, you escorted Loralaine on her room."

"Ah, kaya ko na po."

"Let him, Loralaine." Ani Carmela. "Kuya,"

"Okay, I got it."

"Gusto mo ba ng meryenda? Papadalhan nalang kita sa room mo para naman makapagpahinga ka na."

Tumango sya uli. "Thank you po uli."

Nauna nang maglakad si Sean na buhat pa din ang bag pack nya, sumunod sya dito sa loob ng elevator at sinilip ang susi nya. Tapos pinindot nya iyon sa number buttons.

Walang nagsasalita sa kanilang dalawa hanggang sa marating na ang tamang palapag. Huminto sila sa tapat mismo ng room nya.

"Ako na dito."

"Open the door, L."

"Ako na nga."

"Just open them."

Pinalobo nya ang pisngi bago pinasok ang susi sa door knob. Noong mabuksan nya ang pinto, inabot sa kanya ni Sean ang bagpack nya at sumilip sa loob.

"If you need anything, nasa kabilang kwarto lang ako."

Napatango nalang sya dito at sinara na ang pinto. She let out a heavy sighed before dropping herself at the bed. Ang comfy nga noon na hinila sya ng antok. Napabalikwas lang sya ng may kumatok.

She rubbed her sleepy eyes and opened the door.

"Good Afternoon po, food service."

"Ay thank you po."

Gumilid sya at hinayaang ilapag ang tray sa may center table doon. Nagulat pa sya nang makita si Sean na nakikisilip doon sa loob, naka-tshirt na puti na ito at khaki shorts.

"Enjoy, Ma'am."

She was about to close the door when Sean stopped her. Tinukod nito ang kamay sa ibabaw ng pinto.

"Yes?"

"Want some company?"

"No. Thank you." Ngumiti sya at inalis ang kamay ni Sean sa pinto.

She smiled and closed the door. Nilapitan nya ang tray bago kumulo ang tiyan nya kaya mabilis nyang nilantakan iyon. Pagkatapos ay naligo na sya. Humila lang sya ng isang top at hoodie tyaka maong shorts.

"Bongga ng hotel room mo ate." Ani Nell sa screen.

"Okay ka naman jan?" Si Ate Ava nya.

"Oo ate."

"Uwian mo kami ng sabon jan ha. Iyong mabangong libre?" Si Ate Gabby naman nya.

"Sige, lagay ko na sa bag ko."

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now