Chapter Eleven

350 21 1
                                    

Chapter Eleven

Sean took a step forward and grabbed the paper bag, he slowly held her hand and placed the paper bag there. Titig na titig ito sa kanya.

"Just accept it, L. So I won't feel guilty."

"This is too much."

"It's just a phone."

Umiling sya at pinatong sa lamesa iyon. Kapagkuwan ay hinarap si Sean, taas noo nyang sinuklian ang paninitig nito.

"If you're hitting on me with this, it won't work, Sean."

Ngumisi si Sean. "Such a fiesty woman huh?"

Hinawakan ni Sean ang buhok nya at marahang hinaplos.

"Walang patutunguhan ang pride mo, L. Sometimes you need to accept some gifts."

"And what? Let them take advantage with me?" Umiling sya. "No thanks."

Bago pa sya makawala, mabilis syang kinulong ni Sean sa pagitan ng katawan nito at sa pader doon. She swallowed hard.

"Bakit lagi kang may sagot?"

"Bakit lagi kang may panlalandi?"

"Mabilis kang makuha sa landi?"

Umismid sya dito.

"Of course not!"

Sean held her waist, mabilis syang umurong dito.

"Huwag mong ibaling sa akin ang lungkot mo." Sabi nya bigla. "If you're sad, find another way to be happy, Sean."

"I'm not sad."

"Your eyes says so."

His eyes stares at her lips. Hindi namam sya mapakali agad sa mas lalong paglapit ng katawan nito sa kanya.

"A-anong ginagawa mo?"

Pumikit ito. "You know that you can easily judge me, L. I'm a bit hurt." He softly whispered.

She made a face.

"Bitawan mo na ako."

Nagmulat si Sean at sumalubong ang malalalim nitong mata sa kanya. Nilapit ni Sean ang mukha sa kanya kaya halos mahigit nya ang hininga nya.

He didn't let L speak and reached for her lips. L gasped and pulled away, hinigpitan ni Sean ang hawak sa kanya. Mabilis pa din syang nakaalis at dire diretsong lumabas ng cottage, not minding if Sean's calling her.

Nasapo nya pa ang labi at umiling iling.

"That jerk!"

---

Napabuntong hininga nalang sya at pinagmasdan ang cellphone.

"L."

"Oy Lucas."

Naupo ito sa tabi nya at nakita ang cellphone nya.

"Gusto mo ayusin ko?"

"Kaya ba?"

Inabot nito ang cellphone at chineck iyon. Lumumbaba si L at pinanuod si Lucas sa harapan nya.

"Medyo mahihirapan. Ano bang nangyari dito?"

Kinuha nya iyon. "Mahabang storya."

"Wala kang gig?"

"May lakad sina Ox." Sagot nya. "Ikaw?"

"Pauwi na sana, pero nakita kita."

Nahagip ng mata nya si Sean na naglalakad sa tabing dagat. Tinapik tapik nya si Lucas bago tumayo.

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now