Chapter Twenty Two

297 19 4
                                    

Chapter Twenty Two

Hindi alam ni Loralaine ang gagawin pagkatapos ng mga narinig nya. Hindi nya din magawang kumalma sa kaalamang naloko sya ni Sean ng basta basta lang.

Mariin nyang hinawakan ng mahigpit ang nangingig nyang kamay. Mapakla pa syang natawa at pinilig ang ulo nya, ayaw nyang isipin na susundan pa sya ni Sean. Para ano pa? Para saan pa?

Isang sasakyan ang huminto sa harapan nya. Mabilis syang tumayo para lumayo pero bumaba si Yael doon.

"I won't hurt you, Loralaine. I was passing by and I saw you."

Humakbang sya patalikod.

"Ayaw kitang makausap. Aalis na ako."

"Wait, Loralaine. Base on your reaction, you probably know the truth and everything." Marahang sabi ni Yael. "He's not the reason why your parents died,"

"Tama na, it won't change everything."

Yael sighed. "Okay, but please get inside the car. Ihahatid kita kung saan ka pupunta."

"I don't trust you."

Pagod na sya, gusto nalang nyang umuwi sa Isla Verde ngayon.

--

It was dark already when she landed in Isla Verde. Dumiretso sya sa house inn para icheck ang mga kapatid nya. Inisip nya din kung paano nyang masusumbong sa pulis ang mga kasangkot sa pagpapakalat ng droga dito sa isla.

Nagulat pa ang mga kapatid nya ng makita sya doon. Inaasahan din ng mga ito na sa susunod na araw pa sya uuwi.

"Asan si Sean?" Tanong ni Ate Ava.

"Break na kami."

"Bakit? Diba magkasama kayo sa manila?"

"Gagi, nangaliwa ba?"

Wala syang sinagot sa mga kapatid nya. Isa lang ang gusto nya, kailangan nyang maisumbong ang mga ito. Malaki ang mga kasalanan ng mga ito na hindi na dapat hinahayaang magpagala gala lang dito.

"Going somewhere, Miss Iballo?"

Napahinto sya nang marinig si Allen sa gilid. Kinuyom nya ang kamao at hinarap ito.

"Oras na siguro para matigil na ang paglaganap ng droga dito, ano?"

Bored na humalukiphip si Allen at tinagilid ang ulo sa kanya.

"Hm.. So you think they would believe you?"

"Not because you had your money, you can do whatever you want."

"Too bad, I already did."

"Napakasama nyo!"

"It's not my fault if your parents died because of drugs, Miss Iballo."

"Mga inosente yun."

Humikab pa si Allen. "Maybe you should know the reason behind this before you conclude."

"Dapat pa ba? Rinig na rinig ko lahat! Lahat ito plinano nyo!"

"Hindi mo ba naisip na mapapahamak ka?"

"Allen." Ani Sean sa gilid.

Napaatras si Loralaine bigla. Hindi na ito yung Sean na nakilala nya, iba na ang tingin nya dito. Isa nang mangloloko.

"Pinoprotekhan mo naman si Miss Iballo diba, Sean?"

"No. I just used her."

Marahas syang lumunok.

"Pinatay mo magulang ko!"

"Dahil pinatay nila ang Tatay ko! Maybe they deserve it."

"Walanghiya ka Sean!"

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now