Chapter One

656 21 4
                                    

Chapter One

L was humming a music while cleaning. Binangga ni Ava ang gilid nya at tumawa.

"Ate!"

"Mukha kang tanga."

Inismidan nya ito. Niyakap naman sya ni Ava sa gilid at pahiga na bumagsak sa kama.

"Anong oras gig mo mamaya?"

"Nunuod ba kayo? Ipagse-save ko kayo ng upuan."

"Oo. Si Ate Maya ang nag aya."

"Okay, sabihin ko kay Ox."

Tumayo sya at kinuha ang bag nya at hinarap ang ate sa kama.

"Alis na ako, ate. Ayos na ba kayo dito?"

"Sige na, baka mahuli ka at marami nang malunod na turista."

Kumaway nalang sya at tumalikod na dito. Lumabas sya ng house inn at tinahak ang mabuhanging daan papunta sa trabaho nya. L was working as a lifeguard around the Isla Verde. Good thing she's good at swimming, bata palang kasi ay tinuruan na syang maglangoy ng tatay at bilang laki sa tabing dagat hindi na sya nahirapan.

"Ayan na si L."

Kumaway sya at sumaludo sa mga kasamahan sa trabaho. Pumasok sya sa head quarters at nilagay ang bag nya sa maliit na locker para sa kanya.

"L!"

"Masakit sa tenga." She even flicked her ear. "Anong nangyari ba?

"Ang hugot noong kinanta mo kagabi."

"May nagrequest lang noon."

"Mamaya pala mag rerequest ako." Humagikhik pa si Pichie.

Hinubad na nya ang sweat pants na suot at hinubad ang jacket that reveal her lifeguard uniform. It is like a top suit with a zipper infront with bikini buttom. Kulay white and blue iyon na may konting kulay red.

"Halika na, Pi."

Dumiretso na sya ng lakad sa pwesto nya ngayon. Dumaan si Sir Nolan para icheck sila sa mga pwesto nila. Si Pichie ang kasama nya sa pwesto na panay nagkukwento sa kanya. Tumayo lang sya ng seryoso at pinasadahan ng tingin ang  buong Isla Verde.

"Oh lala." Anito.

Napailing si Loralaine. "Bantayan mo nga nagsuswimming."

"Ang gwapo nun!" Tinuro nya pa iyon.

"Sinong gwapo? Ako ba?" Singit ni Lim.

Umismid si Pichie. "Hindi ikaw."

Sinilip nya iyong tinuro ni Pichie at nakita ang isang lalaking may hawak na vape. Nakabukas ang black polo nito at nakapamulsa sa black short. She remember that guy, iyong nakita nya sa dagat noong isang gabi.

"Gwapo diba?"

Tumango sya. "Gwapo nga pero mukhang suicidal."

"Eh?? Bakit?"

"Nakita ko yan noong isang gabi sa tabing dagat. Parang plano ata magpakamatay." Kibit balikat nya pa.

"Oh? Kailangan nya ng mag aalaga sa kanya." Napahagikhik pa si Pichie.

Biglang tumunog ang buzzer nila doon. Pichie became alert at sinagot ang radyo. Tumango sya at sinenyasan si Lim.

"L dito!"

Hawak nya ang isang salbabida at tumakbo papuntang dagat. She immediately jumped off, she needed to rescue the little girl. Nakasunod si Lim na nakasakay sa speedboat.

"I got you baby girl."

Hinimas himas nya ang likod niyon bago inabot kay Lim. Sumandal sya pagkasakay sa speedboat. Kaagad nilang inabot sa kasama ang babae.

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now