Chapter Twenty

337 21 1
                                    

r-18

Chapter Twenty

Dahan dahang minulat ni Loralaine ang mata nya at kinusot iyon. She was alone in the bed, at mukhang hindi natulugan ang kabilang parte niyon kaya mabilis syang tumayo at nakitang sumisimsim ng kape si Sean habang nakaharap sa laptop nito.

"Good Morning," bati ni Sean.

Inayos nya ang sarili bago sya nilingon ni Sean.

"Hindi ka natulog?"

"I need to finish Carmela's project because she's still on leave." Tumayo si Sean, doon nya lang napansin na naka-boxer ito at isang black t-shirt. "How's your sleep?"

"Okay naman. Medyo malamig lang."

"Alright. I'll adjust the aircon later." Umayos ng tayo si Sean at pinasadahan sya ng tingin.

"Breakfast?" She offered.

"Let's order."

"Ako na magluluto kung busy ka."

"Sure? Tapusin ko lang ito."

Sean nodded and sat infront of his laptop again. Inayos naman ni L ang hinigaan nya, hindi sila nagtabi ni Sean kasi gising naman pala ito magdamag. After, she went straight to the kitchen. Maganda ang interior ng design ng condo ni Sean, pang isahang tao lang talaga.

Tipikal na breakfast ang nasa isip nya kaya naman inuna nyang mag saing sa rice cooker bago nilabas ang mga frozen foods. Naghiwa sya at gumalaw smoothly. Dinurog nya din ang kanin para maisangag nya. Nilagyan nya ng tissue ang mga plato para sa mga prinito nya at nilapag sa lamesa pagkatapos.

Naglalapag na sya ng mga plato noong maramdaman nya si Sean na nakatitig. Pag angat nya ng tingin, nakahalukiphip ito sa may door frame.

"I'm done. Kailangan mong kumain, may trabaho ka diba?"

"I took a leave."

"Huh? Pwede?"

"Yes. Dadalhin ko lang kay Carmela iyong ginawa ko." Naupp na ito. "Any plan for today?"

"Wala eh. Ang alam ko kasi uuwi na ako sa Isla Verde."

"You don't wanna date?"

"Not a fond of dates." Pag amin nya. "Well, dati kasi wala naman akong boyfriend. But since you said that you are my boy--"

Hindi pa natatapos ni Loralaine ang sinasabi nya nang mahagip nya ang proud na pagngisi ni Sean kaya umirap sya.

"We can watch a movie?"

"Pwede naman. Sige." Sagot nya. "Pero dadaan muna ako kay Ate Maya sa salon mamaya."

"Alright."

Sean offered to wash the dishes, hindi naman ito mahihirapan dahil may dishwasher ito. Pumasok sya sa bathroom na bitbit ang mga damit para maligo. Nakapagtext na sya sa Ate Maya nya na dadaan sya doon dahil nasa manila nga sya.

"Yes, I'll bring the paper." Iyon ang narinig nya matapos nyang maligo at makapagbihis.

"This is not free, Carmela."

Tinuyo nya ang buhok nya at hinarap si Sean.

"Okay. Bye." Binaba na nito ang cellphone. "Are you done?"

Tumango sya at sinuklay ang buhok. Sinabit nya sa loob ng cr ang bath towel na ginamit nya at pagkatapos ay chineck ang sarili sa salamin.

Dinaan lang sya ni Sean sa salon na pinagtatrabahuhan ng Ate Maya nya bago ito nagbilin na babalikan sya para sa movie date nila.

Island Series: Loralaine Iballoजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें