Chapter Two

484 23 2
                                    

Chapter Two

Umismid sya sa hangin nang makapasok sila sa House Inn. Nabibingi na sya sa mga tinatanong ng mga kapatid nya.

"Iba makatingin sayo iyong guy." Si Ava.

"Ang gwapo ha." Segunda ni Nell.

"Sabi ko nga sainyo, niligtas ko lang iyon."

"Mukhang natutuwa sa reaksyon mo." Si Gabby.

"Type mo ba iyon, Loralaine?" Si Ate Maya naman ang nagtanong.

"Pwede ba."

"Ito na ba ang sagot sa dasal namin na sana magka-boyfriend ka na uli?" Ngising ngisi na tanong ni Ava.

"Ate Maya oh!"

Napailing si Maya bago sinaraduhan ang house inn nila. Iniwan naman nya ang mga kapatid doon at pumasok na sa banyo para maghugas ng katawan. Pagkatapos ay pumasok na sa kwarto nila. Dalawang double deck iyon tapos sa ginta nakahiga si Ate Maya nila.

Sa bandang itaas sya ni Gabby kaya sumampa na sya doon.

"Ano kayang full name noon?" Si Ava uli. "Ay itatanong ko nga kay Miss Aliana, baka alam nya."

"Ate Ava!"

"Bakit ka nagrereact?" Silip ni Gabby. "Crush mo no?"

Bumuga sya ng hininga bago binuka ang kumot para italukbong sa kanya. Nakikinig nya pa ang mga kapatid na nag uusap bago sya tuluyang nakatulog.

Maagang nagising si Loralaine ngayon, naabutan na nya si Ate Maya nya sa may counter doon na mukhang malalim ang iniisip.

"Ate?"

"Oh, may almusal na sa kusina."

"Okay ka lang?"

Tumango si Maya bago tinuro ang kusina. Pumihit sya doon para mag almusal na bago sya nag ayos. Zinipper nya ang body suit na uniform at sinakbit ang pito.

"Ate, alis na ako." Paalam nya kay Maya.

"Sige na."

Bitbit ang bag nya at tinahak nya ang buhanginan papunta sa head quarters ng mga lifeguard. She already saw Pichie at the top, tyaka si Lim.

Sa bandang gilid nya, nakita nya iyong Sean na lalaki. Binabalandara ang katawan, but she choose to ignore him. Diretso ang lakad nya papunta sa head quarters. Sumipol agad si Lim nang makita sya.

"Parang gago."

"Ganda mo talaga, L." Anito. "Ikaw nalang aayain ko magdate."

"Excuse me, hindi ka papatulan ni L." Singit ni Pichie.

Natawa sya sa dalawa na nagsimula na magbangayan. Nilagay nya sa ibaba ang bag at umupo sa high chair. She sighed.

"Lakad lang ako." Ani Lim at kinuha ang radyo nito.

Umismid naman si Pichie at humarap sa view nila.

"Ano kayang pangalan nun? Ang gwapo nya talaga, tangkad pa." Kinalabit sya ni Pichie.

"Sean." Aniya.

"Ba't mo alam ha?" Nanliit pa ng bahagya ang mata ni Pichie sa kanya.

Kumibit balikat sya. "Sinabi nya."

"Sayo? Type ka nya?!"

"Sinabi nya lang, wala syang sinabi na type nya ako."

"Baka sya na pala ang icing sa ibabaw ng cupcake mo." Anito at pabirong hinaplos ang gitna ng hita nya.

"Hoy Pichie! Ang bastos mo!"

Humagikhik lang ito at lumumbaba na pinanuod si Sean na nasa harapan na nila. Tinaas nya ang kilay nya at pinakatitigan iyong lalaki, he was indeed a handsome man. Matangakad, katamtaman lang ang katawan. Maputi nga din, na kapag natatamaan ng sikat ng araw ay namumula lang.

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now