Chapter Fourteen

337 16 3
                                    

Chapter Fourteen

"Those drugs killed my parents, Sean." Diretso ang titig nya sa mata ni Sean. "At ayokong may matulad pa sa kanila."

Kinuyom nya ang kamao nya nang maalala kung paanong natagpuang walang malay ang mga magulang nya dahil sa droga. Bata pa sya noon pero alam na nya ang nangyari, walang pumanig sa kanila dahil hindi sila mayaman.

"Ayoko nang may madamay pa na ibang napagbintangan dahil sa droga, Sean..."

Marahang hinawakan ni Sean ang kamay nya, pinisil nito iyon.

"L..."

"I'm sorry," mahinang sabi ni L. "I shouldn't be saying this."

"It's okay L, I understand you."

"I know you can't help me, Sean but if you happen to know who's behind this.." kinagat ni Loralaine ang pangibaba nyang labi.

"I'll try my best, L... I won't promise but I'll try."

Hinarap ni L si Sean, he wipe her tears. L flinched with the thought that she's already crying just by remembering her parents.

Mabilis syang umiwas ng tingin dito at tinuro ang daan pabalik sa house inn nila.

"Uwi na--"

"I'll walk you home," nilampasan sya ni Sean kaya wala syang nagawa kundi ang sumunod dito.

Both of them were silent as they walked side by side. Loralaine almost slipped but Sean immediately held her waist.

"Sabay ka na sakin pa-manila para sa kasal ni Carmela. Are you going?"

"Nakakahiya kay Carmela kaya pupunta ako."

"Alright, I'll wait for yoy tomorrow."

"Ha? Bukas na agad?"

"Yeah, didn't Carmela texted you?"

Sinilip nya ang cellphone at ang message ni Carmela sa kanya.

"Hindi ko pala napansin iyong date. Okay, bukas nalang."

"Have a good night, L."

She nodded and turned her back. Dumiretso sya ng pasok sa loob ng house inn nila.

Sumunod na araw, binitbit na nya ang bagpack at nagpaalam na sa mga kapatid nya. Paglabas nya, nakita nya si Sean na nakatayo sa may labas lang ng house inn. He immediately smiled at her.

"Sabi mo sa may bangka na ako maghintay?"

"It's okay, L. Let me get that bag for you."

Hinayaan nyang buhatin ni Sean ang bagpack nya, naglakad sila papunta sa may bangka na maghahatid sa kanila sa kabilang banda para sa airport.

"Bukas pa ang start ng kasal diba?"

"Yes, we already prepared a room for you in Lausingco Hotels."

"Ilang araw ako sa manila?"

"Three days."

Loralaine nodded and hop on the boat, muntik pa sya mahulog sa kakulangan ng pwersa pero nahawakan sya ni Sean sa may puwitan. Uminit ang pisngi nya at mabilis na umakyat sa bangka. Sa likod nya ay ang nakangising si Sean.

"Tayong dalawa lang?" Tanong nya nang umandar na ang bangka.

"I rented this."

"Psh. Tipikal rich kid."

"And should I be flatter?"

Pabirong umirap si L sa kanya at umayos ng upo. Tinanaw nya ang kalawakan ng dagat bago nya nahagip ang mata ni Sean na nakadirekta sa kanya. Suminok sya at umiwas dito.

Island Series: Loralaine IballoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon